pero ito na siguro ang araw na talagang naging malapit tayo, este yung tipong mas nakausap at nakasama pala. Hindi yung as in naging mas malapit, dahil lalo lang nakita na talagang hanggang pagkakaibigan lang itong sa atin.
Kelangan ko ng panahon para matanggap yan.
Undo undo undo, umpisahan ko ulit ang kwento pero hindi ko buburahin ang mga naisulat ko na para pwedeng ikumpara. HIndi ako ganyan magsulat e.
—-
Nang ayain mo akong bumili ng pancit canton sa labas, doon nagsimula nang naisip kong iba ang araw na ito sa lahat ng mga araw. Hindi ko alam ang mga napag-usapan pero buti na lang at ayaw nilang dumaan sa 7-11? Hmmm, ngayo’y naisip ko naman na bakit pala hindi ka na lang nila sinamahan.
Pero yun nga, buti na lang.
Ayaw mong tinatrato ka ng espesyal sa mga simpleng bagay. Di gustong pinagbubuksan ng pinto, o pinapauna sa elevator. Oo na, friends lang talaga nga di ba? Pero talagang hindi ko yata kaya.
Problema lang nga ata ang dinadala ng damdaming kong ito.
Pero masaya naman ako ah :D
—-
Hanlabo pa rin ng pagsusulat ko, lols. Hinde ako yan :P