After 48 years…

xmas party

Uhm, not exactly.. at hindi rin yung mga bata sa litrato sa itaas na kinunan sa pinakaunang class christmas party na naattendan ko nung kinder 2  ang tinutukoy ko kahit na sobrang matagal na nga rin yan ano.

Ang tinutukoy ko ay ang Father Louis Chauvet of Levesville-la-Chenard, France Class, Batch 2004. In short, Chauvet /sho-vey/ o kung ikaw ang 4th Level Coordinator namin, FLC /ef-el-si/. Si Louis nga pala ay ang nagtatag ng Sisters of St. Paul of Chartes Congregation. Siya ang naging lider ng fede, este, kongregasyon ng mga madreng may layong magturo sa mga mahihirap na anak ng mga magsasaka sa kanilang lugar.

Dahil sa kanya kaya natatag ang St. Paul School System.

After 4 years a magkikita ulit kami, uhm, medyo kasi nagkita-kita rin naman nung panahon ng mga debut so parang 2 years? Pero sa bilang na 31 out of 54, ito na siguro ang pinakamaraming expected na pupunta at dahil sa Pasko na sa makalawa ay ayun, edi may Christmas party kami, hehehe:P

Apat na taon. Madami-dami na rin ang nangyari, maraming nagbago, meron din namang hinde. At nagmiting nga kami nuong Sabdo kung anu ba ang mga mangyayari sa Linggo.

Ayun, may nakaisip na gumawa ng mga espesyal na listahan na tipong Top Ten Love Teams nuong high school. Best One-Liners na huhulaan kung sino ang nagsabi. Mga teachers na pinaiyak at pinagalit at kung anu-anu pang paniguradong magbabalik ng mga alaala ng mga panahong nakalipas na siguro naman e worthwhile alalahanin.

At sana ay pumunta ang mga bibigyan namin ng Buhay Ka Pa Ba? Award para masabi namin sa kanya na buhay ka pa nga.

Grabe, 4 years? Anu nga ba ang mga mangyayari ano? Ewan, pero paniguradong mag-eenjoy kami lahat dun dahil magkikita-kita na naman kami:

Chauvet 04

Ito ang pang-walo naming post para sa Christmas series ngayong Pasko. Grabe, araw-araw magpost? Adik di ba? Hehehe. Abangan na lamang ang aming podcast bukas:D para sa finale.

Ewan ko na lang kung makalimutan pa kita, hehehe.

Halos isang buwan ko ring hindi nagamit ang direct messaging ng twitter. Actually, halos isang buwan ata akong hindi naging full-time online, hehehe. At ewan ko na lang sa mga mabgbabasa nito kung hindi pa niya alam kung bakit, e kitang isang bagay lang ata ang binlog ko sa sa buwang ito.

Hinahanap yung LP mo ah.
Hiniwalay ko e, para naman makonsensya akong magpost ng iba.
E puro naman tungkol sa akin ngayon.
Hehe, nahalata mo rin?

Pramis, next time iba naman ang ibablog ko:D E kasi naman, ang tagal din nating hinintay na magkasama tayo. Kahit maiksi, sobrang mahalaga naman, at kitang minsan lang ako magblog e, kapag gusto ko talaga. At gusto ko talaga, hehehe. Masaya kasi at tsaka para naman kiligin yung mga nagbabasa tulad ni yods, hehehe.

At ngayong nasa amerika ka na, hmmm, hindi ka pa rin naman masyadong nalalayo. Andito ka naman sa puso ko e:D hehe, joke. Tignan mo kaya yung lugar kung nasan ako halos oras-oras?

Atin

Ewan ko na lang talaga kung makalimutan pa kita. E pagkauwi ko’y ngiti mo ang una kong makikita:) Saya. I miss you, sobra, pero hindi ako nalulungkot. Nasasapawan lang ang lungkot ng sayang dinulot mo sa akin, whoa, tagalog na tagalog, hehehe. Inaantay ko pa rin yung post mo ah:D Pag yan maigsi, bahala ka, hehehe.

Hindi na ako magugulat kung paminsan-minsa’y titigil na lang ako’t mapapatitig sa ating litrato’t mapapangiti ng sobra. Mukhang tange? E ano naman di ba? Hehe.

Exmas Tree

christmas tree

Matagal na mula nang huling nailabas ang nakatago naming christmas tree. Sa sobrang tagal na noon ay hindi ko na nga maalala kung kailan at ni hindi na nga ito napag-uusapan ngayon, o kahit noong mga nakarang taon. 

Siguro'y kung bubuuin ko ito ngayong pasko ay mas malaki na ako kaysa rito, kung 'di man ay kasing tangkad, kaya hindi ko na kailangang gumamit pa ng silya upang maikabit ang mga tangkay ng plastik na dahon sa kaniyang tuktok. Hindi na rin siguro ako aabutin ng limang hakbang para lang libutin ito habang ikinakabit ang makikinang na pula, berde at puting tali sa paligid nito. Hindi na rin siguro ako magpapatulong pa sa pagkakabit ng mga makukulay na bilog na ornamento't mga pulang foam na mansanas na may kagat na ng mga batang hindi marunong makinig.

At hindi ko na rin siguro kinakailangang tumingala pa, para lang makita ang maliwanag nitong bituin.

Pero kung bubuuin ko man ito'y paniguradong ang mga natitirang dahon ay sapat lang upang matakpan ang hindi hihigit sa kalahati nitong kabuuan at malamang ay hindi rin ito tatayo mag-isa dahil sa pagkakaalala ko'y wala na ang dalawa sa tatlo niyang mga paa.

Mabubuo pa kayang muling ang aming dating Christmas tree?

Madrama ba? hehe. Hindi ko na rin ieeksplika pa kung bakit hindi na kami naglalagay ng christmas tree. Itong entry ay bilang tugon sa tag ni karmi, ang kaisa-isang pinagmumulan ng mga tagged posts sa blog na ito, hehe=) keep them coming! May requirements pang iba yung tag e, pero hindi ko na nagawang sundin pa, sori.