Light from melted candles

Undas 2007

The shot was right there, yung pinsan ko, playing, fascinated with fire, but i didn't take it. Kasi naman, andun nakapaligid ang mga kamag-anak ko at makikita nila ang gagawin ko, hehe. It was too awkward for me. Tinanong pa nga niya ako, "Bakit?". E tagal kong pinag-isipan kung kukuhanan ko siya o hindi, hehe. I have a heart of a photographer, I know it=) pero I do not have the courage, and the devices, hehe. Kung meron lang akong 5x zoom SLR camera edi ok na.

Kaya eto na lang ang nakunan ko, yung malapit sa aking kinauupuan. Mga batang kumukuha ng tunaw na kandila.

Ewan ko pero hindi ako dumaan dun nung bata ako. Hindi ako humawak ng kutsara o kampit at buong araw na nakasalumpok sa harap ng nitso ng aking kamag-anak at pinupuno ang isang baso ng tunaw na kandila o kaya'y gumagawa ng isang multi-colored ball of wax. At kung swerte ay kakilala ng nanay mo ang mga taong nagbabantay sa katabing puntod kaya makakuha ka na rin sa kanila. At kung dinibdib mo talaga ay lilibot ka sa buong sementeryo at mangongontrata, mag-eestablish ng teritoryo, at sasama sa isang grupo para lalong lumawak ang iyong network of sources for melted candles. At bago umuwi ay ibebenta na sa kaunting halaga bawat kilo. Sa Pandi e 4 pesos isang kilo, sa Sta. Maria e otso. Dati nga'y nilalagyan pa ng bato ang loob para bumigat, haha.

Hindi ako dumaan sa ganon, ewan.

Pero, I always was, and is still, fascinated with fire. Ginagawa ko ang lahat para hindi mamatay ang mga kandila. Nilalagyan ko ng kandila ang paligid ng mitsa para muli itong magliyab, kahit na pilit naman itong inaagaw ng ibang bata. Gusto nilang mamatay na yun para makuha na nila lahat, pero iba naman ang gusto ko. Buti na lang at ni minsan ay hindi ako napaaway.

Isang araw lang sa isang taon na hindi ka papagalitan ng nanay mo kapag nakita ka niyang naglalaro ka sa apoy, bakit mo naman papalampasin yun?

Save with the fire

If you can breathe, I can breathe too.

Sang-woo Jo, Libera me (referring to the flames)

 

Nanood kami ni tina ng "Libera Me", isang 2000 action-drama film, sa katatapos lang na korean film festival sa UP Film Institute Cine Adarna. Ito ay tungkol sa isang grupo ng mga firefighters dealing with a psychopathic arsonist, Hee Yeo. Nag-umpisa yung film nung nabigyan ng parole si Hee Yeo after serving several years, because of burning a whole children's ward where he was staying when he was just a teenager (aya, nag-iingles na ako). Medyo brutal nga kasi pinakita yung scene na yun, kung saan hinarangan pa niya yung pinto para hindi makalabas yung mga kasama niya sa loob. And typical to a psycho, he was smiling, uh, grinning while doing just that. Right after he was freed from prison, he waited outside until a contraption he fixed at the prison's boiler room exploded.

After 5 years, he again terrorizes Seoul by intelligently killing seemingly random targets by incineration, fooling the authorities that they were just accidents. Worst is, the fires he initiates are tremendous infernos which burn down whole buildings, thus, killing many other innocent people. This is where the firefighters come in. They do everything they can to get to the scene first and try to save as much lives as they can, even putting their lives at the stake. But how will they be able to stop the mayhem that this pyromaniac causes?  Syempre hindi ko sasabihin=) hehe. (Every movie review needs to put that line)

Maganda yung pagkakadepict nung mga sunog. Nanalo ng Best Cinematography and Editing 'to sa 2001 Grand Bell Awards sa South Korea, siguro kasi picturesque yung mga fire scenes at na-amaze ako kasi hindi ko ma-distinguish yung totoo sa computer-generated na flames at explosions. Haay, wala akong makitang torrent para sa film na ito para baka may maging interesado. Meron sa bittorrent.com pero may bayad naman, nye diba?

Makikita sa film na ito ang hirap ng pagiging isang firefighter kapag sumusuong sa bingit ng kamatayan sa pagsugod sa loob ng mga nasusunog na building ngunit ipinapakita rin nito ang saya na dulot ng pagsagip ng buhay ng ibang tao, kahit na nakataya na ang sa kanila. May isang scene din na nagsasalarawan ng hindi pagpapahalaga ng gobyerno ng Korea sa mga bumbero (na parang ang sitwasyon din sa atin). Tingin ko ay maganda itong movie na  maging morale booster para sa mga bumbero.

Sa dulo ng film ay sinubukang isalba ang character nung villain sa pagkukwento ng kanyang nakaraan. Kung bakit siya naging isang ruthless arsonist pero hindi naman nun madya-justify ang krimeng nagawa niya. Narito ang trailer nung movie.

[video align="align-center"]http://www.youtube.com/watch?v=vO8Eu5q0g8U[/video]

Minsan, masarap tumira sa iskul, kasi, saan ka naman makakaranas ng libreng movies? Pamasahe lang sa ikot ang gastos, o wala kapag nilakad mo lang. Gandang stress-reliever pagkatapos ng exam o kaya'y past time kapag walang magawa. Kadalasan naman kasi ay libre lalo na kapag feature films from foreign ang local film festivals. Siguro may bayad lang na below 100 kapag bago-bago pa yung pelikula. Syempre aasahan mo na maganda lahat nung mga pelikula kasi siyempre pinipili yan ng UP Film Institute. Kaya kung malapit ka lang sa diliman, nood ka na rin kasi hindi naman tinitignan kung UP student ka.

Barbeque girll

“ay, ‘no ba yan”

Tumalikwas siya sa pagkakaharap sa kanyang nilulutong barbeque. Medyo napagbalingan kasi siya ng biglaang lakas ng ihip ng hangin na nagpalihis sa direksyon ng aso ng nagbabagang uling sa grill, diretso sa kanyang mayuming mukha.

“ok ka lang, miss?”
“ha? hehe, medyo”

Nakangiti pa niyang sinabi sa akin, na aking lubos na ikinatuwa. Sa dalas ko kasing bumili dito ng barbeque, ay minsan ko lang siyang natsempuhang nakangiti. Pero isang beses ay napansin ko siyang ngumuso nung muntik na siyang mapaso nung kasama niya sa pagluluto. Medyo nakakatuwa rin pero mas nakakatawa.

Kahit nagpapawis siya dahil siguro ay hapon pa lang ay nasa harap na siya ng ihawan ay maganda pa rin ang kanyang mukha, maaliwalas at masarap titigan kahit matagal, hehe.

“uy, kuha ka pa ng sauce”

Salitan niyang pinapaypayan ang uling sa grill at ang kanyang sarili habang binibiling isa-isa at binobrotsa ng sauce ang mga nakatuhog sa stick na laman ng baboy, o barbeque. Haay, kung ok lang ay kukunin ko ang hawak niyang karton na mukhang pinilas lang ata na kalendaryo at ako na ang magpapaypay sa kanya, pero hindi naman ata tama yun. O kaya ay ako na ang hahawak ng bimpo niya para punasan ang kanyang tumatagaktak na pawis imbis na nahihirapan pa siyang kuni’t ibalik ito sa bulsa ng kanyang kulay pulang apron.

Kung hindi lang siya abala sa pagluluto ay paniguradong nahuli na niya ako na nakatitig sa kanya kanina pa. Sori pero parang mas gusto ko pang hindi na lang maluto habambuhay ang inorder kong barbeque para habambuhay ko na rin siyang makikita.

“kaw na naman, kagagaling mo lang dito kanina di ba?”

Nagulat ako sa kaniyang sinabi at dahil na rin tinignan niya ako nang diretso sa mga mata. Natameme ako, dahil ang tanging napansin ko ay ang magaganda niyang mga mata. Ilang segundo rin akong natahimik bago nakabalik sa kamalayan, inaantay niya ata ang sagot ko.

“ha? a e nagustuhan nung mga kapatid ko”

Hindi ko na naisip masyado kung ano ang sasabihin ko. Parang nakalimutan ko na nga ata lahat ng lumabas sa aking bibig. Wala talaga ako sa katinuan kapag kaharap ko siya. Nababaliw na ata ako, naisip ko. Sana talaga hindi niya ako napapansin dahil talagang nakakahiya ‘to.

“Baka naman binebenta mo ‘to, hehe”

Lalo akong natahimik. Binibiro ba niya ako? Hindi ako makapaniwala, pero natutuwa ako. Ewan ko ba, eto na ang pagkakataon ko para makapagkwentuhan sa kanya ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.

“Uy joke lang, kaw naman, guilty ka ata e”

Napangiti na lang ulit ako, dahil wala talaga akong masabi, wala akong maisip na sasabihin at kung meron man ay paniguradong hindi ko makakayang sabihin. Ayoko talaga ng nangyayari sa akin kapag kaharap ko ang babaing nagugustuhan ko. Natotorpe ako.

Nangyari na ang ang dapat mangyari, naluto na ang barbeque. Ibinalot niya ito sa dahon ng saging at isinilid sa plastik na sando bag. Naglagay rin siya ng naka-ice candy na suka para gawing sawsawan. Inabot ang aking bayad at ibinigay ito sa cashier na parang ang kanyang nanay. Sabay niyang iniabot ang supot ng barbeque at sukli sa akin. At sa hindi inaasahan ngunit talagang inaasam ay nahawakan ko nang kaunti ang kanyang mga daliri, na sa aking pagtataka ay hindi niya kaagad inalis.

“Balik ka ha?”

Napatingin ako sa kanyang mga matang ubod nang ganda, at ngiting kay tamis. Mainit ang mga daliri niyang unti-unting lumayo sa aking pagkakahawak. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

“Basta ba ikaw ang magluluto.”