Ang Nakikibasa: Pucha.

<< unang pahina

(Haay, busy naman kasi, grabe. Nasa’n na nga ba yun.)

Mabilis na inisa-isa ng kanyang mga daliri ang mga librong nakalagay sa istante. Pilit hinahanap ang natatanging librong kung papansining maiigi ay kakikitaan ng maliit na siwang sa isa sa mga pahina, dulot ng iniipit na papel bilang marka sa huling talatang kanya nang nabasa.

(Hmmm, sana naman e alang nakabuklat nun, haaay.)

Ilang araw na rin ang nakalipas ng huli niyang binuklat ang librong yoon. Oras na hindi abot sa panahon kung kailan ang mga ganuong bagay tulad ng numero ng pahinang kanyang huling binuklat ay lumalagi pa sa kanyang alaala. O masyado lang talaga siyang maraming iniisip dulot ng mga gawain sa trabaho kaya’t nitutulak na paalis sa utak ang mga maliliit na detalyeng napakadaling malimot. At siguro’y nasanay na rin talaga sa pagmamarka sa kung saan siya dapat magsimula, ang unang pahina, talata, at salita.

Sa ilang sandali pa’y nakita na niya. Napasama pala sa katabing estante ang librong kanyang hinahanap. Siguro’y sa kaiiwas sa mga taong dumadaan habang siya’y nagbabasa’y nagawi siya doon tapat. Kinuha niya ang libro at tinignan maiigi ang pabalat nito. Napawi ang kaba, sumandal nang hindi nakabalandra, binuklat ang aklat sa tamang pahina at nagsimula sa kanyang pagbabasa.

(Ang cute talaga nito:D)

Iilang minuto pa lang siyang nakatayong tahimik ay nangawit kaagad ang kanyang mga paa. Ibinaba niya muna ang librong halos isang buwan na niyang pinagtyatyagaang puntahan upang mabasa. Konting inat, lakad-lakad at lingon sa mga taong tumitingin-tingin sa mga nakahilerang librong naghihintay sa bibili sa kanila.

At sa pagtaas niyang muli sa hawak-hawak na libro’y may kung anung dilaw na papel ang bigla na lang nahulog mula sa sa tingin niya’y huling pahina ng librong kanyang binabasa, nahulog sa sahig at napansin niyang may nakasulat kaya’t kanyang pinulot para makita.

Ay, pucha.

Enemies of the State

Naaasar na ako sa media. Siguro naman ay nabalitaan mo ang tungkol sa ginawang pagtatangkang rebelyon ni Senador Trillanes at ilan pang mga kasamahan noong isang linggo, ngunit hindi iyon ang binabalita gabi-gabi. Para ngang nakalimutan na iyon dahil may mas pinagtutuunan ng pansin ang media, at yun ay ang ginawang pagtatrato ng mga awtoridad sa kanila.

Panig ako sa media ukol sa extra-judicial killings at illegal detaining ng ilang mga nakikibaka laban sa gobyerno. Naaasar ako sa pagtatanggi at paglilihim ng militar at sa fact na wala tayong magagawa tungkol dun. Pero iba sa nangyari sa Manila Peninsula na tingin ko ay sumusobra na ang media.

Lalo na sa report ni Karen Davila at Julius Babaw kani-kanina lang. Sabi ni Karen ay pinabulaanan ng PNP chief na iniimbestigahan nila ang media, pero may nag-email daw sa kanilang news department head ata na dalhin ang kanilang video footage ng insidente sa himpilan ng pulisya, at dun tinapos ni Karen Davila ang kanyang report. Wait, something's missing, hindi niya sinabi kung bakit raw dadalhin ang mga video footage at ang word na ginamit niya, "dalhin ang video footage". Hindi ito kinumpiska, hindi sila dinalhan ng search warrant o anuman at bagkus a inemail sila.

Nagpapaimportante ang media, hindi sila ang iniimbestigahan kundi sina Trillanes. Dahil magandang ebidensya ang video footage sa pagtangkang rebelyon. At wala namang sinabi si Karen Davila na "baka gagamiting ebidensya ang video footage na nakuha namin", NO. Wala nga siyang dahilan kung bakit "pinapadala". At bakit wala siyang sinabing dahilan? Dahil gusto niyang isipin mo na lang na iniimbestigahan nga sila ng pulis. Na sinungaling sila, haha.

Pero mas maganda ang naging pahayag ni Julius Babaw. Sinabi niya kasi na kung hindi naman daw tinuturing ng mga pulis ng mga kaaway sila o suspect, bakit raw siya inimbitahan sa hearing sa Disyembre ata. Huwaw, inisip niya kaya muna ito bago niya sinabi? Dahil you don't invite a suspect to a hearing. Humihingi ka ng arrest warrant sa judge kung saan naganap ang krimen at hinuhuli mo ang suspect. Hmmmm, bakit nga kaya siya inimbitahan?

Maraming itinatago ang media. 

I wonder, naisip kaya nila na makakasabal sila sa isang police operation involving rebellious military men kung andun silang lahat? Pero hinde, sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang trabaho para maihatid nila ang balita sa mamamayang pilipino ay nadesisyon sila na maiwan sa loob at makigulo. Ilan ba sila? Kung bawat tv station ay may cameraman, reporter at researcher, at bawat diyaro ay may field reporter at photographer at bawat radio staion ay may isang reporter, hmmmm, ilan kaya sila sa loob?

Siyempre, hindi na nila inisip kung makakasagabal man sila o hindi, ang mahalaga ay maibalita sa mamamayang pilipino ang mga kaganapan, kahit na ikasawi pa nila. Pero mayroon namang "video courtesy of" o "ayon kay", pero bakit naman sila kukuha sa iba kung pwede naman sila ang kumuha? E marami naman sila dun, bakit nga naman sila aalis, edi naging bida na naman yung kabilang istasyon.

Maraming ipinapakita ang media, pero mas marami silang itinatago.

Noong umuwi ako ng huwebes last week ay nabalitaan kong may curfew na raw, it was all over the news, hanggang sign-off. 'Tas sinasabi nila na simula na raw ito ng martial law at natakot naman ako. Pero ang kinaaasaran ko ay friday ko pa ng umaga nalaman na noong gabi lang talaga ang planong may curfew at hindi araw-araw. Bakit hindi nila sinabi kaagad?

Almost everybody talks about what the police did to the media, but why are they not talking about what the media did? Dahil ginagawa kang kakampi ng media laban sa gobyerno. Sila ang tama, sila ang mali. Isang buwan nating mapapanood ang mga dramatic scenes at interviews ng mga reporter na ginawang commercial. Oo, isa iyong tv advertisement. Tuwang-tuwa siguro sila sa mga nangyayari.

Sa diyaryo na lang muna ako makikibalita. Doon, walang makukulay na video footage, walang makabagbag-damdaming music, balita lang, at hindi binahiran ng marketing strategy.

PERO. Sabi ni Karen Davila na text raw ng text si General Razon na umalis na sila sa loob ng hotel. Buti na lang at hindi sila umalis, dahil ganon ang nangyari, malamang ay pinaglalamayan na sina Trillanes at ilan pang mga kasamahan. Alam kong gustong ipapatay ni ______ sila.

Ganito talaga ako kapag naaasar, madaldal. At hindi ako panig sa gobyerno.

Walang magawa

happy

Ganito kapag walang pasok sa eskwela, 'pag walang nararamdamang pressure sa mga deadlines (dahil kahit sembreak meron), 'pag wala pang Willie of Fortune, at kapag wala pang bagong episode ng Naruto Shippuuden, kapag ganito at sa marami pang ibang kadahilanan, wala na naman akong magawa.

Marami rin akong kailangang gawin bukod sa wala (Hmmm, parang ang gara nun ah). Nariyan ang thesis prototype namin na ipapakita kay sir sa Biyernes. Nakatoka ako sa local file search sa mobile phone. Oo nga pala, ang thesis namin ay pinamagatang "P2P File Sharing over Bluetooth Ad hoc Networks".  At ang laki nga ng problema namin, dahil ang laking balakid ng Java Midlet Signing.

Kailangan kasi na certified ang application para makagamit ng native functions ng phone. At gudluck naman dahil 22,000 pesos ang certificate mula sa Verisign. At san naman kami kukuha ng ganung kalaking pera? Pero may option naman, sa Java Verified Program kung saan isa-submit mo ang application sa kanila for testing at kapag naging maayos ang lahat, ay ise-certify nila ang app for distribution. Ok di ba? Pero ang kaso, bawat submit mo ay magbabayad ka ng 15,000 pesos.

Pero hindi dun nagtatapos, dahil kapag may bug at hindi pumasa ang app sa kanilang standards ay ibabalik at ipapaayos sa iyo at kapag sinubmit mo ay panibagong 15,000 pesos ulit. Galing di ba? Pero eto pa, magbabayad ka ng 15,000 pesos kada phone model na gagamitin sa testing! Per phone model! (kung Nokia 6600, Samsung G65, LG U250, ganun) Nadepressed ako ng dalawang araw nung nadiscover ko ito last week.

Nagtag si chelsea tungkol sa huwaw, tagboard!™ na matagal ko na ring kinalimutan. Pero ngayon ay may mga bago na akong pangarap para sa service kuno na ito. Gusto kong gumamit ng gravatars, para makita yung picture ng mga nagtag, hehe=) Gusto ko rin gumamit ng photo hosting site para mas madali para sa mga users na mag-upload ng mga icons. Siguro magagawa ko ito sa bakasyon, summer siguro, hehe. Basta.

[Curse smartbro: hindi pwedeng mag-ftp dahil sa NAT infrastructure ng network na implemented nila]