calculus, java programming at upcat grade

Nalaman ko na ang grado ko sa calculus, isang naghihingalong 2.75. Kamuntik na akong maging tres na konti na lang kwatro na, na parang singko na rin. Mababa, hehe.

Bagsak nga ata ako sa finals eh.

Kabaligtaran naman ito ng programming class ko. Mataas. Uno nga ata ako eh. Hindi ko pa kasi nakukuha yung classcard kaya hindi pa ako magsasalita ng tapos. Baka mamya may nabawas pala akong puntos. sana wala.

Nakuha nina anamae at ramona yung mga grado nila sa upcat, ayus. sana makita ko rin yung akin. Magbabayad daw ng bente sa cashier sa quezon hall tapos punta sa may office of admissions para ipaprint yung results. quezon tapos ofad, parang ang layo. pero ok lang yun, at least mababawasan ang isa sa mga tanong ko sa buhay.

Kasama na kung ano ang grade ko sa NEAT o kaya nasaan na yung results ko sa USTET, tsaka kung bakit bakit ba talaga namatay ang mga dinosaurs noong sinaunang panahon?

ngayon

parang gumuguho ang college of science habang lumalakad ako palabas. parang natutunaw ang pintura sa malaking mural sa loob nito. naririnig ko ang mga kaluluwang humuhingi ng hustisya. at nang tumingin ako sa may naka-display na longganisa sa canteen, naririnig kong sinasabi niya na, “Bobo! haha, Bobo!”. At ginagatungan pa ng katabi niyang itlog.

langya, physics exam lang, binagsak ko pa. nakapanlulumong 44% ang nakuha ko sa pangalawa at huling physics long exam namin. siyempre bagsak kasi 50 ang passing. Nakapanlulumo talaga.

multiple choice naman, hindi ko alam kung anong nangyari at bumagsak ako kasi malaki ang tiwala ko sa kakayahan kong manghula ng sagot. kaya nga ako nakapasok sa skul na to di ba?

nakapanlulumo talaga. sana bonus na lang to