Sinira ni Ondoy ang PC ko.

Ondoy. Masyado nang late kung ngayon ko pa ibablog ang tungkol sa bagyong iyon dahil mahigit isang linggo na rin ang nakalipas. Pero wala naman akong magagawa, dahil umaga ng Sabado nung nakaraang linggo ay nawalan ng kuryente sa amin kaya natulog na lang ako. Wala akong kamalay-malay na delubyo na pala ang nasa labas, stranded ang mga pinsan ko dahil lubog na ang tulay ng Sta. Maria at sa kauna-unahang pagkakataon na narinig ko’y bumaha sa aming baranggay (pero hindi kasama ang sa may kalsada namin).

Nang magising ako’y ang tanging naisip ko lang ay, *Wala pa ring kuryente?* Sabay pikit na muli. Tsk tsk. Pero kaya ngayon lang ako nagbablog tungkol dito ay dahil nasira ang PC ko last week.

Nasira ang PC ko dahil sa bagyo kahitĀ  hindi kami binaha. Nasira ang PC ko dahil kung hindi bumagyo, edi hindi sana babaha, at hindi rin mawawalan ng kuryente, at makakapag-internet ako, kaya hindi ako mawawalan ng gagawin. Dahil kung may ginagawa ako’y di ko sana maiisip na linisin ang PC ko, at hindi ko sana binaklas yun at nung inaassemble ko na uli’y hindi ko sana natamaan ng screw driver yung motherboard kaya nung niboot ko na ay magsha-shutdown bigla kapag may memory access na ginagawa. Uulitin ko, hindi sana nasira ang PC ko kung hindi bumagyo.

Isang linggo akong walang computer. Naiimagine mo ba kung gaano kahirap yun? Kung gaano KAHIRAP yun? Ayoko na alalahanin. Isang linggo. Hindi makapag-internet, alang facebook, email at ym, hindi makapanood ng movies, nakastop din ang download ng torrent, ni hindi makapagpatugtog ng mp3′s?!? Nahiga lang ako at natulog ng isang linggo kapag nasa bahay.

Pero ok na ngayon, may bagong PC na ako, at muli’y babalik na ako sa hindi pagbablog.

PC

Ayan na ang bagong workstation ko. After 6 years, keyboard, webcam at table na lang ang ang hindi napapalitan. Eto ang major changes sa aking PC.

CPU: AMD Duron 0.75Ghz => Intel Core 2 Duo 2.93Ghz
GPU: None => 550Mhz Inno3d 9400GT 512MB
RAM: 512MB DDR2 => 2GB DDR2

Sweet.

May channel 21, 29, 37 na pala, at ang cute ni Alodia Gosiengfiao na napanood ko sa laging replay na Front Act with Mike and Stanley.

Late na nagbloom ang analytical skills ko.

RegaloIka-pito kong kaarawan, ang pinakabonggang birthday na cinelebrate ko. Ang saya, maraming bisita na puro halos mga bata’t teenager. May mga parlor games pa tulad ng pukpok-palayok, sack race, at ang tanging pabitin na nakaabot ako ng plastic ng kendi nang hindi binubuhat ninuman kasi nga ako ang may bday e pinauna akong kumuha, tipong free-throw shot. Meron ding ibang laro tulad ng Bring Me, pahabaan ng hininga sa pagbigkas ng Happy Birthday Arviiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!, palosebo, agawan biik, chess, basketball, triple-jump, 5k marathon, synchronize swimming at diving.

Yun nga lang, alang clown o magician, boooo! pero at least merong photographer na pinagpose ako sa lahat ng events. Pinahawak niya sa akin yung pamalo sa palayok, yung bola ng basketball at pinayakap pa sa akin yung biik. Pose dito, pose dun, e grabe, ang gusto ko lang naman e kumain ng spaghetti at hotdog na may marshmallows.

Kuha ka ng isang regalo mo ‘tas kunan kita habang binubuksan mo.

Huwaw, kakakain e nakalimutan ko na may mga regalo nga pala ako, at bubuksan ko ang isa, yay! Pumunta ako sa may lamesa para pumili ng isang regalo at naisip kong piliin e yung malaki para baka malaking laruan:D Kinoach pa nga ako ng mga kalaro ko kung anung pipiliin. Exciting! Anu nga kaya ang laman ano? Continue reading