Ayan, gawa na ang *ehem* MyBlogLog replacement *ehem* widget para sa blogs o tumblelogs. Ito ay para makita ang profile pics ng mga taong bumibisita sa ating blogs. ‘Di kelangan magregister kasi ia-add lang as a Facebook app ‘tas yun na, lalabas na sa mga sites na may widget na ito yung FB pic mo kapag nagvisit ka. Para naman sa mga blog owners, punta lang sa http://sudocode.net/r/6b para kunin ang code. Di rin kelangan magregister, ienter lang URL ng iyong blog at kung ilang pics ang gusto mong nakadisplay. I-copy ang code at ilagay sa info dito sa Tumblr o pwede rin sa HTML cource ng theme. Maaring may baguhin rin sa CSS para maiakma sa ibang theme.

Link

Was Here: Recent Readers Widget for Blogs

Rebirth

Matapos ang ilang buwan ng hindi pagsusulat ng isang blog entry, eto na naman ulit ako’t nakaharap sa post editor ng wordpress. Nakailang palit din ako sa title, at ilang minuto rin ang inabot bago ko naisulat ang unang pangungusap. Ayan, makakabuo na ako ng isang talata. Sa wakas. Mula sa blog entry na ito ay sisimulan ko nang magsulat na magmuli, ang magblog at maging isang blogger. Ang hirap kaya:P Hindi ko man masabi kung bakit ako natigil sa pagbablog ay alam ko naman kung bakit ako magbabalik. Yun ay dahil gusto ko.

Tinanggal ko na ang crossposting ng aking mga entries sa Multiply at Facebook para hindi ko na masyadong isipin na lahat ng mga sasabihin ko’y mababasa ng aking mga kakilala. Dito na lang sa blog para ang mga makakabasa’y ang mga nakakakilala lang sa akin. Kung meron pa, hehe. Basta.

Hindi man ako makapagsulat ng isang makabag-damdaming tula o mala-romantikong kwento’y ninanais ko lang na may mailabas na mga salita mula sa aking mga iniisip. Magkaroon lang ng saysay ang mga tinatype ko ngayon sa keyboard ay ok na ako, dahil alam kong hindi ko maibabalik ang lahat sa isang blog entry lang ang isang bagay na hinid ko alam kung maakakaya ko pa.

Ito ang simula.

She left me.

Wala na ang kanyang mga kamay na gumagabay sa hawak kong bolpen. Hindi na niya unti-unti binabanggit paunti-unti ang mga salitang nararapat gamitin. Hindi na siya nagbibigay ng mga pahiwatig at ni bakas ay wala na siyang iniwan upang aking subukang tahakin. Iniwan na niya akong tuluyan.

Matagal na akong hindi blogger.