Rocker na nga ba talaga?!?

P27-11-07_13.45

Dumiretso na kayo sa opisina ng Inhinyero 2008 sa 2nd Flr. ng German Yia Hall at kumuha ng vote stub at isulat ng number 5, pagkatapos ay ihulog sa fish bowl-turned-drop box, para iboto ako bilang Best Creative Shot, o ha, hehe. Pwede rin ninyong itext ang <inhinyero> space <creative> space <5> at isend sa …. yan biro lang.

Alam ko naman na walang mararating ang litrato kong yan. Walang panama dun sa ibang 'di hamak na mas creative kaysa sa akin. Gusto ko yung naka-stockings ang ulo 'tas diaper lang ang suot at hinostage si teddy bear, haha. At the best si number 1, the god of plenty=) Pero siyempre, hindi ko sila binoto para hindi sila umangat sa standings, haha. Competitive 'to, pare.

Pero proud naman ako kasi naisip ko talaga yang shot na 'yan. Nangalap pa talaga ako sa kapitbahay namin ng microphone na hindi ata gumagana. Kita namang tinagpi lang ng masking tape kaya kita yung may white band sa hawak ko. Wala akong extensive na wardrobe kaya yung masikip kong jacket  na lang na green and black ang ginamit ko at ang urbanwhere na light green shirt na may black royal bird emblem print sa harap. Naisip ko ang lahat ng ito nung pauwi na ako, isang araw bago kami pumuntang studio na nasa may gitna ng CEU Manila (gitna talaga, weird nga e).

At ano ba naman ang isang rocker kuno kung walang fans=) kaya inaccomplice ko si tina, elaine at yung baklang nag-aayos sa amin para makijoin sa aking photo shoot, hehe, Sana nga mas marami pa para malubos-lubos na, kaya lang nahiya ako. Natuwa nga ata yung bakla dun sa akin kasi meron akong sariling ideya talaga, haha. Siya kasi yung nag-isip ng shot para dun sa mga nauna pa sa akin.

Naisip ko yung shot, nagawa ko naman gaya ng iniimagine ko (thanks sa photographer) at naappreciate siya ng iba by actually being chosen=) Minsanan lang mangyari ang ganun, hehe, kaya masaya.

Sana naman ay lumagpas man lang sa sampo ang bumoto sa picture ko, haha. Tatlo na kami kaya sana ay may pito pa. Hmmm, sana makita ko yung results.

Ano pang hinihintay mo? Boto na!

Isang blog nga, regular lang, tsaka penge na rin ng ketsap

Nanalo ako ng gift certificate mula sa Jollibee worth 200 pesos, walang biro. Nanalo ang entry ko bilang May favorite sa Quill section ng hive.com.ph, nanalo ako dahil sa tatlong boto, hehe, alisin mo na yung isa kasi ako yun.

pinost ko yung dunkin lady ko sa website ng jollibee, na nalaman ko lang na meron pala sila nang makita ko yung poster sa branch nila sa SM Marilao. Tinignan ko kung anong itsura at nang may nakita akong part kung saan pwedeng maglagay ng mga sariling tula, naglagay ako ng isa. Malay ko bang open sa botohan yun at malay ko rin na may boboto sa tula ko na dalawang walang magawang surfers. Isama mo yung boto ko kaya naging tatlo, ayun panalo.

yung katunggali ko? tig-isang boto sila. malapitan ang laban, hehe.

Nasa Hall of fame tuloy yung tula ko, hehe. at ngayon, inihintay ko na lang na dumating yung gc’s ko sa jolibee sta.maria, kasi pinadala ko dun. Nung una kasi, gusto nila na sa ortigas ko pa kunin yung 200 pesos na yun, langya. ano ko?

Ilang sundae cone kaya yun? ilang extra rice? at ilang go large na coke?

Malay mo manalo ulit ako, mapapakain tuloy ako sa jabi nang madalas-dalas, hehe.

gara pala

sabi sa statistics, most of the visitors of my site are from australia, second are from the philippines, third is hongkong and last is from the US. gara di ba? ibig bang sabihin na puro australiyano ang bumibisita sa blogista ko? 426 hits ang galing sa kanila at 87 lang ang galing sa pinas w/c comes in second.

international talaga ang internet.

http://komski.blogista.com

hehe, natalo kami ng partner ko sa Java competition kahapon, hindi ko kilala yung nanalo pero sabi ng partner ko magaling siya, siguro nga kasi natalo nila kaming dalawa. Siguro tinalo nila kami ng kalahating oras. kasi konti na lang at matatapos na namin yung program. sayang pero ayus lang.

pero nanalo naman kami sa sofball game namin. ayus nga eh. yung kalaban namin, may kasamang 3 coaches na naglalaro, kami, apat na varsity, hindi ako sigurado kung sino ang mas dehado. basta nanalo kami, sa wakas.

last game pa ang pinanalo namin, ayus.