Tan ta-ran taran-taran-taran tarantaraaaaaan tararararan!

Prime Suspects

Habang inilalagay ko sa aking bag ang charger, na nakakahon sa isang printer ink box, na kasama ng hiniram naming Sony Ericsson z520i na gagamitin sa aming thesis application ay napatitig na lang ako sa loob ng aking bag.

Haha, kailangang piktsuran ‘to.

Apat ang aking bluetooth dongles, ewan kung bakit. Dalawa lang naman ang pc ko sa bahay at ganun din naman sa lab. Nariyan din ang flash disk na pwedeng mabaklas sa tatlong bahagi. Hindi talaga akin yung aquarium mouse, hehe, nilagay ko lang para makadagdag. Isama mo pa ang mga installer cd’s ay hindi talaga ako maikakailang hindi nalalayo nang matagal sa computers.

Makikita rin ang circuit/proto/bread board para sa aking digital circuits lab project. Kaya makakadukot ka ng iba’t-ibang resistors, capacitors, LED’s, switches, wires, AND at NOR gates, 74LS86′s, JK flipflops (not for the feet), pati na rin ang BCD display na parang sa calculator. Sana matapos na namin ang project na yan, na nung friday pa ang deadline.

Treasure talaga ang bag ko na yan dahil mas marami pa siyang lamang pera kaysa sa pinagsamang halaga nung nasa wallet ko at bulsa. Nariyan kasi ang ipon ko, kung meron man, na madalas nauubos sa pagkain, hehe.

Kaban rin yan sa aming bahay dahil kung may nangangailan sa amin ng perang panukli sa nagbayad para sa mineral water, pantaya sa jueteng (shhh), pambili ng meryenda sa naglalako ng kakanin, baryang pangtraysikel at dyip, o nuong pasko ay pambigay sa nangangaroling ay konting dukot at halukat lang sa loob ng aking bag ay may pera na. Kung barya lang naman e hindi ako magrereklamo. Pero pwede ring iloan ang perang naipon ko nang walang interes, basta ba bayaran lang kapag kailangan ko na at please, walang gulangan, dahil hindi ko naman binibilang kung magkano nga ang andyan. Suki ko ang nanay ko diyan.

Akin rin nga pala ang magnifying glass na yan dahil malabo na ang mata ko at ayaw ko namang magsalamin at asiwa rin ako sa contact lens, biro lang. Matagal ko lang kasing gustong magkaroon nun, hehe.

Haha, nakalimutan kong meron akong tatlong notebook, apat na bolpen, yellow pad at samu’t saring readings.

(Habang isinusulat ko ito ay kumuha na naman ang nanay ko ng barya)

Programmer mode

Geek adik

Nakahiram ako ng isa pang pc sa aking pinsan/kapitbahay, na ginawa atang warehouse nung kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Buti nga meron dahil pinoproblema ko talaga ang isa pang computer bukod nung sa akin, dahil kailangan. Hindi kasi pwedeng gumamit ng dalawang bluetooth dongles sa iisang pc lang.

Hindi ko alam kung bakit ganun. Siguro kasi ay naisip nila na bakit ka nga naman ba gagamit ng dalawang dongle ng sabay? e kitang up to seven devices naman ang kayang suportahan ng isa, nang sabay-sabay. Pero bakit hindi? Paano kung kailangan mo ng higit pa sa pito? (mouse, keyboard, phone, speakers, webcam, headset, monitor, etc.)

At paano naman kung kailangan mong magbluetooth programmming?

Paano naman itetest ang program kung saan gagawin mong iconnect ang dalawang bluetooth devices? Kung network programming ito ay madali lang magset-up ng multiple servers and clients sa iisang pc, haay. Sinearch ko na sa net kung anong magandang solusyon pero wala rin. I searched for emulators, virtual machines, hacks, patches, everything.. pero wala. Kailangan talaga ng ibang machine.

E wala naman akong laptop kaya nanghiram na lang ako ng pc. Ang gawi ko tuloy ay magcocode sa pc ko at icocompile ang program, 'tas ililipat ko sa kabilang pc yung class files (yes, it's in java), 'tas run the server on one pc and the client on the other. Code-test-debug cycle, haay.

May bluetooth ang phone ko pero hindi ko naman magamit dahil ng sa pang-asar na digital signing. Mukha tuloy ako ngayong hardcore programmer dahil nagwowork ako sa dalawang pc nang sabay, hehe.

Nasaan na?

Hinanap ko kanina ang aking usb flash disk para itry ang pendrive linux, pero hindi ko mahanap. Nagpanic na ako dahil parang matagal ko na ring hindi ito nakikita. Tinext ko na yung kapatid at pinsan kong humiram nito dati at baka nasa kanila pa, pero wala raw, haay. Wala na, gusto kong magwala.

Dalawang buwan ulit akong mag-iipon. Buti na lang at may microSD ang aking phone kaya yun na lang muna ang gagamitin ko bukas para sa ppt ng report ko, haay.

Life is cruel. Nakakalungkot talaga.