Coping mechanism

Sensya na ulit, naayos nman b love life mo tpos nun?
D mo nman ako cnusmpa noh? Haha

Hindi naman talaga ako naging mahalaga para sa iyo. Sa iyo’y hindi ako ako, kundi isa sa mga dating kaibigang nabighani sa mga katangian mo. Isa lamang ako sa dinami-daming mga lalaking nakilala ka at nabihag sa lahat ng magagandang bagay na bumubuo sa iyong pagkatao.

Hindi mo naman talaga ako sineryoso, wala ka naman talagang pakialam sa akin, wala naman talagang nangyari sa lahat ng mga pinaggagagawa ko dati para sa iyo na walang kabuluhan [dati siguro meron], puro hangin lang naman ang mga pinagsasasabi ko sa iyo tungkol sa aking nararamdaman.

Isang kalokohan lang naman ang pagmamahal ko para sa iyo, kaya binalewala na lang, isinantabi, hindi inintindi at kung anu-ano pang pamamaraan para malaman kong hindi mo naman kaya itong suklian.

Hindi naman talaga ako naging isang parte ng buhay mo na tulad ng inaakala ko. Malaman mo sanang alam ko na ang lahat ng dapat kong paniwalaan. Masakit talaga ang katotohanan.

Isang malaking biro lang naman talaga ako di ba? Pero sana malaman mong hindi naging biro ang naramdaman ko para sa iyo. Alam ko sa sarili ko na pagmamahal yun. [Muntik na akong maiyak kanina, kung hindi lang sana nandito ang mga tatay ko sa aking likuran ngayo'y baka napaluha na ako]

Hindi mo nga pala kailangang mag-sorry dahil sa tingin ko’y ako lang naman ang gumawa nito sa sarili ko. Hindi naman kita masisisi na maging ikaw. Wala ka naman kasalanan. Ako naman ang laging nagsabi sa iyong kaibigan lang ako, para naman hindi mo ako layuan, nagkamali pala ko.

Pero maaari ba ako humiling sa iyo? Sana’y huwag mo nang ipaalala sa akin ang mga nangyari dati, tuluyan mo na sanang kalimutan ang lahat, kung may natitira pa nga sa mga alaala. Huwag mong idadaan sa biro ang mga ganitong bagay. Lalo na kung ang kausap mo ay ang taong involved. Ang totoo’y posible ngang isumpa kita at hindi yun nakakatawa para sa akin. Minamahal kita nang sobra ‘tas bigla na lang, isusumpa kita? Hindi talaga nakakatawa yun. Mas malaking emotional burden ang idudulot nun at ayoko nang mas pahirapan pa ang sarili ko.

Gusto ko na lang na kalimutan ka o kahit man lang ang nararamdaman ko para sa iyo.

Siguro yun lang talaga ang hinihintay ko. I was just “waiting for you to break my heart” gaya ng sabi ng kanta.

Sure, no prob.

Alam kong masaya ka, ok na ko dun.

Magsilbi sanang itong index sa lahat ng aking mga naisulat na may kinalaman sa iyo, dahil kinukumbinsi ko ang sarili ko na ito na ang huli. Narating ko na ang dulo.

Ikaw ang tinutukoy, kinakausap, pinaglalaanan, dahilan, iniisip ko sa mga sumusunod:
parte ka pa rin ng aking mga tula | uncertainty
hindi ko na ata kaya to | iyong likha
nagdadrama-dramahan na naman | bilbord
naririnig mo ba ako? | maniwala ka sana
sampung taon | ihip | pagtatapos
. . . . . . . . . | sana hindi na lang
magulong kausap | isang tasang kape

Kasama ka sa mga tinutukoy sa mga sumusunod:
isang letra | episodes

Parang kasama ka ata sa mga iniisip ko nung ginawa ko ang:
bilog ang mundo

Salamat sa mga naipadama mo sa akin.

I hate myself again

Nais ko nang mamatay. If there by any chance I could die, I’ll take it. Wala na akong pakialam kung padalos-dalos man itong desisyon, pero ngayon, ang tanging nasa isip ko lang ay gusto ko nang mamatay.

Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin, hahayaan ko bang maging kaibigan ka? o pipiliting kalimutan ka na lang? Hindi ko kayang kalimutan ka, araw-araw, makikita kita at maaalala ko ang pagmamahal ko sa iyo. Baka makaya kong alisin ka sa isip ko kahit mahirap ngunit alam kong hindi kita maiaalis sa aking puso.

kung lalapit ba ako’y iyong makikita?
madarama mo ba ang pusong lumuluha
maririnig ang boses nitong isinisigaw
ang ngalan mo, na mahal ka nito?

I hate me

Kanina ko unang naramdaman kung paano gustuhin ang magpakamatay. Habang naglalakad kasama siya, habang sinasabi niya sa akin na ayaw na niya, na wala nang pag-asa ang pagmamahal ko sa kaniya, I wanted to die right then and there. Ninais kong humarang sa harap ng paparating na tumatakbong sasakyan, masagasaan at noon di’y mamatay kaagad-agad.

Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Mahal ko siya ngunit hindi ko siya pinahalagahan. Nagkulang ako nang sobra-sobra. Binalewala ko ang lahat ng paghihirap niya na ako rin ang nagdulot. Ngayon kung kelan sinara na niya ang puso niya para sa akin, inalis ang puwang na noo’y inilaan niya para sa akin, kung kelan hindi ko na mabubuhay pang muli ang pag-ibig niyang ako rin ang pumatay, tsaka ko lang natanto na parang pinatay ko na rin ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

Tumugma na ang lahat ng aking mga tula sa kaniya at sa aming sitwasyon ngayon. Mag-uumpisa na naman akong lumikha ng mundong siya ang bumuo, isang birong hindi ko kayang aminin. Pagmamasdan ko siya mula sa kalayuan, araw at gabing hindi maiiwasan at gugustuhing mapanaginipan, hihiling ng isa pang pagkakataon, mananatili sa walang kamatayang kahapon, magmamahal, mangangarap, mababaliw at muling na namang pagkakaitan ng tadhana’t panahon.

Hindi ko hinangad na maging parte ka na aking mga tula, dahil ang mga tulang ito’y dulot ng kabiguan at kalungkutan. Minamahal kita at mamahalin pa rin kahit na sabihin mong ika’y akin nang ibaon sa limot.