Mag-eenrol ka?

Yan, ang bungad sa akin sa Computer Science department nang ipakita ko ang readmission slip ko galing Eng’g admin, November 11 Wednesday. Tapos na kasi ang enrollment week. Nag-umpisa na nga ang klase. Readmission from AWOL. AWOL ng dalawang sem. Buti nga tinatanggap pa ang mga katulad ko sa unibersidad, hehehe.

At ngayon, after ko magbayad kanina sa Cashier’s Office ay opisyal na ang pagiging estudyante ko, yipee! Eto ang ID ko, counter-signed na yan, hehehe.

Gudluck na lang sa akin ngayong sem, sana tuloy-tuloy na ‘to hanggang sa makatapos ako:D (pero hindi pa yun sa March)

Rak en Rol!

kikomachine strip

UP Bahay ng Alumni, ika-16 ng Mayo 2009 — Hindi ako komiks fan talaga pero ewan ko ba’t napasugod ako sa Komikon Summer Fiesta. Tatlong bagay lang naman ang naisip kong makamtan nuong araw na iyon. Una, bilin ang ika-pitong libro ni bob ong, ang Kapitan Sino. Pero habang nakapila ako sa loob ng komikon ay may nag-msg sa akin.

Pupunta ka bang book launch? Discounted ang price.
Saan ba?
Dito sa MOA.
Hala, e andito ako sa komikon. Hanggang anung oras ba?
12nn. May mga pupunta din diyan mamaya.

Hindi naman kasi komiks ang Kapitan Sino, pero bakit naman MOA pa?? Ang layo-layo. Pangalawa kong gusto e ang makabili ng unofficialuse t-shirts na may ABNKKBSNPLAKo?!! at Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Plilipino? Pero pagdating ko dun e ubos na ang sizes. 0 out of 2.

At least  nagawa ko yung pangatlo, ang bilin ang ika-limang Kikomachine Komix, Alab ng Puso Sa Dibdib Mo’y Buhay! Kaya kumpleto ko na ang compilation series ng komix na kinatatampukan ng mga estudyante’t guro, tindero’t mga gwardiya, drayber, kadorm, kaklase, kagrupo sa project, kasakay sa dyip, katabi sa exam, atbp. Asteeeg.

Kikomachine Komix

At may bonus pa. Bukod sa mga cute na mga girls na kahit matagal umusad ang pilang pinilahan ko naging sulit na rin, dahil ang nakuha ko naman sa dulo ng pila na iyon ay pirma galing kay Manix Abrera! Na pinahirapan ko pa kasi lima yung pinapirmahan ko sa kanya, hehehe:P

Autograph from Manix Abrera

Pero over-all, OP na OP ako dun sa komikon dahil hindi naman nga talaga ako komiks fan, hehehe:P ‘Tas wala pa naman ako kasama, hehe. Hindi rin ako hardcore manga o anime fan. Anung malay ko sa mga dun e hindi nga ako marunong magdrowing. Nagfi-feeling lang ako, haha. Sa iSketch pwede pa, pero cartoon characters? Goodluck. Pero ngayon ko lang naalala, may comic strip akong ginawa nuong elementarya pa ako, sa likod ng Math 6 notebook ko. Full-page comic strip. 7-frame silent cartoon. Teka, hanapin ko kung may picture ako.

After 10 minutes. Wala pala, hehehe. Pero meron ako dito, yung trip kong idrowing nuong hayskul. Parang itatato lang na henna na ewan. Nag-uubos ako ng tinta ng bolpen nun.

Metal Shark

*Nga pala, dumaan na lang akong Powerbooks Trinoma para bilin ang Kapitan Sino:)

Gusto mo ba sumama?

May siyam akong tickets dito para sa Enchanted Kingdom. Pero ewan, hindi ko alam kung tickets ito para makapasok sa entrance. Hindi naman ata, hehehe. Hindi ko alam kasi hindi pa naman ako nakakapasok dun.. Oo, hindi pa ako nakakapuntang Enchanted Kingdom:P

Enchanted Kingdom

Grabe di ba? Kasi naman, after kong makagradweyt ng elementarya ay tsaka nagbago ng prinsipal ang pinapasukan kong iskul at nung sumunod na taon ay nagfieldtrip silang lahat sa EK… after namin makagradweyt.

At ang pinasukan ko namang hayskul, gaya ng elem ko, ay nagpalit din ng prinsipal at guess what, ‘di approve sa kanya ang pagfifieldtrip sa isang theme park, ‘di gaya ng pinalitan niyang punongguro. Sakto.

Hindi ba niya alam na nafeature sa Sineskwela ang EK dahil sa maraming kapupulutan ng aral dito tungkol sa pisika at teknolohiya? Mapapaisip ka talaga sa mga mekanismong nagpapaandar sa mga masasakyang rides dito. Bawat sentimetro kubiko ng mga makinaryang makikita mo ay punong-puno ng mga panghikwat (lever), kalo (pulley), pakol (wedge), turnilyo (screw), gulong at ehe (wheel and axle), hilig na patag (inclined plane) at mga mas kumplikado’t mas maligoy na kalipunan na makabalighuan na dahil sa kanilang pagkasopistikadong pagkakagawa.

At paano na ang pag-aanalisa sa mga kemikal na nililikha ng iba’t-ibang organs sa katawan upang makaramdam ang isang tao ng saya, takot at pagkabalisa, gulat at sorpresa?

May mga bagay sa mundo na makikita mo lang kung hahanapin mo ito.