Programmer mode

Geek adik

Nakahiram ako ng isa pang pc sa aking pinsan/kapitbahay, na ginawa atang warehouse nung kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Buti nga meron dahil pinoproblema ko talaga ang isa pang computer bukod nung sa akin, dahil kailangan. Hindi kasi pwedeng gumamit ng dalawang bluetooth dongles sa iisang pc lang.

Hindi ko alam kung bakit ganun. Siguro kasi ay naisip nila na bakit ka nga naman ba gagamit ng dalawang dongle ng sabay? e kitang up to seven devices naman ang kayang suportahan ng isa, nang sabay-sabay. Pero bakit hindi? Paano kung kailangan mo ng higit pa sa pito? (mouse, keyboard, phone, speakers, webcam, headset, monitor, etc.)

At paano naman kung kailangan mong magbluetooth programmming?

Paano naman itetest ang program kung saan gagawin mong iconnect ang dalawang bluetooth devices? Kung network programming ito ay madali lang magset-up ng multiple servers and clients sa iisang pc, haay. Sinearch ko na sa net kung anong magandang solusyon pero wala rin. I searched for emulators, virtual machines, hacks, patches, everything.. pero wala. Kailangan talaga ng ibang machine.

E wala naman akong laptop kaya nanghiram na lang ako ng pc. Ang gawi ko tuloy ay magcocode sa pc ko at icocompile ang program, 'tas ililipat ko sa kabilang pc yung class files (yes, it's in java), 'tas run the server on one pc and the client on the other. Code-test-debug cycle, haay.

May bluetooth ang phone ko pero hindi ko naman magamit dahil ng sa pang-asar na digital signing. Mukha tuloy ako ngayong hardcore programmer dahil nagwowork ako sa dalawang pc nang sabay, hehe.

Walang magawa

happy

Ganito kapag walang pasok sa eskwela, 'pag walang nararamdamang pressure sa mga deadlines (dahil kahit sembreak meron), 'pag wala pang Willie of Fortune, at kapag wala pang bagong episode ng Naruto Shippuuden, kapag ganito at sa marami pang ibang kadahilanan, wala na naman akong magawa.

Marami rin akong kailangang gawin bukod sa wala (Hmmm, parang ang gara nun ah). Nariyan ang thesis prototype namin na ipapakita kay sir sa Biyernes. Nakatoka ako sa local file search sa mobile phone. Oo nga pala, ang thesis namin ay pinamagatang "P2P File Sharing over Bluetooth Ad hoc Networks".  At ang laki nga ng problema namin, dahil ang laking balakid ng Java Midlet Signing.

Kailangan kasi na certified ang application para makagamit ng native functions ng phone. At gudluck naman dahil 22,000 pesos ang certificate mula sa Verisign. At san naman kami kukuha ng ganung kalaking pera? Pero may option naman, sa Java Verified Program kung saan isa-submit mo ang application sa kanila for testing at kapag naging maayos ang lahat, ay ise-certify nila ang app for distribution. Ok di ba? Pero ang kaso, bawat submit mo ay magbabayad ka ng 15,000 pesos.

Pero hindi dun nagtatapos, dahil kapag may bug at hindi pumasa ang app sa kanilang standards ay ibabalik at ipapaayos sa iyo at kapag sinubmit mo ay panibagong 15,000 pesos ulit. Galing di ba? Pero eto pa, magbabayad ka ng 15,000 pesos kada phone model na gagamitin sa testing! Per phone model! (kung Nokia 6600, Samsung G65, LG U250, ganun) Nadepressed ako ng dalawang araw nung nadiscover ko ito last week.

Nagtag si chelsea tungkol sa huwaw, tagboard!™ na matagal ko na ring kinalimutan. Pero ngayon ay may mga bago na akong pangarap para sa service kuno na ito. Gusto kong gumamit ng gravatars, para makita yung picture ng mga nagtag, hehe=) Gusto ko rin gumamit ng photo hosting site para mas madali para sa mga users na mag-upload ng mga icons. Siguro magagawa ko ito sa bakasyon, summer siguro, hehe. Basta.

[Curse smartbro: hindi pwedeng mag-ftp dahil sa NAT infrastructure ng network na implemented nila]

3G for Me

Picture 035

Matagal ko na itong hinintay, maraming beses nang nangulit nang paulit-ulit, walang sawang nagparinig, at minsa'y nagmakaawa effect pa. Heto na nga at hawak-hawak ko na… May bago na akong phone!

Sa wakas ay binili na rin ako ng LG KU250, ang phone model na nanalo sa "3G for All" program ng GSM Association.

Pero makabuluhan naman talaga ang dahilan ko para magpabili ng bagong phone. Dahil mahirap magprogram para sa isang device na hindi naman available sa iyo. Mahirap magtarget ng code at magdebug na rin kung hindi naman sa mismong device mo nira-run ang iyong program, kundi ay sa isang emulator lamang.

Bottom line is, kailangan ko ng bagong phone para sa aking thesis (na maaari kong ikwento sa susunod kong post). Yup, academic in nature, makabuluhan at may kabigatan ang aking rason, hehe. Minimal lang naman ang requirements ko para sa kailangan kong phone, basta ba may bluetooth at java-enabled (may jsr-82, jsr-75, atbp.).

Hindi ko alam kung bakit LG KU250 pa ang napili kong ipabili, hehe. Naistuck kasi, at wala na akong magagawa dahil nabili na, hehe. Masaya na rin naman ako=)

[Note: Naka 40+  takes ako sa pagkuha nung picture sa post na ito, hehe]. Ang hirap i-orient ang posisyon ng mukha ko, yung phone at nung webcam hehe. Ok naman. Sa wakas ay makakakuha na rin ako ng maraming pictues hehe=) Close na ito sa inaasam kong fully-pledged digital camera, dahil isa sa mga gusto ko ay ang pagkuha ng litrato. Bonus na rin ang video camera at mp3 player (OMG, pwede na kong manood ng anime episodes on the go, hehe).

Pero mag-iipon pa ako para sa isang microSD card, 675 pesos yung 1GB sa CDR-King pero siyempre ang gusto ko e yung 2GB na parang hindi ko nakita ang presyo (mukhang P1000+). Haay, sana magkapera na ako, sana makasali at manalo ako sa 1 vs. 100, hehe.