Late na nagbloom ang analytical skills ko.

RegaloIka-pito kong kaarawan, ang pinakabonggang birthday na cinelebrate ko. Ang saya, maraming bisita na puro halos mga bata’t teenager. May mga parlor games pa tulad ng pukpok-palayok, sack race, at ang tanging pabitin na nakaabot ako ng plastic ng kendi nang hindi binubuhat ninuman kasi nga ako ang may bday e pinauna akong kumuha, tipong free-throw shot. Meron ding ibang laro tulad ng Bring Me, pahabaan ng hininga sa pagbigkas ng Happy Birthday Arviiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!, palosebo, agawan biik, chess, basketball, triple-jump, 5k marathon, synchronize swimming at diving.

Yun nga lang, alang clown o magician, boooo! pero at least merong photographer na pinagpose ako sa lahat ng events. Pinahawak niya sa akin yung pamalo sa palayok, yung bola ng basketball at pinayakap pa sa akin yung biik. Pose dito, pose dun, e grabe, ang gusto ko lang naman e kumain ng spaghetti at hotdog na may marshmallows.

Kuha ka ng isang regalo mo ‘tas kunan kita habang binubuksan mo.

Huwaw, kakakain e nakalimutan ko na may mga regalo nga pala ako, at bubuksan ko ang isa, yay! Pumunta ako sa may lamesa para pumili ng isang regalo at naisip kong piliin e yung malaki para baka malaking laruan:D Kinoach pa nga ako ng mga kalaro ko kung anung pipiliin. Exciting! Anu nga kaya ang laman ano? Continue reading

Tan ta-ran taran-taran-taran tarantaraaaaaan tararararan!

Prime Suspects

Habang inilalagay ko sa aking bag ang charger, na nakakahon sa isang printer ink box, na kasama ng hiniram naming Sony Ericsson z520i na gagamitin sa aming thesis application ay napatitig na lang ako sa loob ng aking bag.

Haha, kailangang piktsuran ‘to.

Apat ang aking bluetooth dongles, ewan kung bakit. Dalawa lang naman ang pc ko sa bahay at ganun din naman sa lab. Nariyan din ang flash disk na pwedeng mabaklas sa tatlong bahagi. Hindi talaga akin yung aquarium mouse, hehe, nilagay ko lang para makadagdag. Isama mo pa ang mga installer cd’s ay hindi talaga ako maikakailang hindi nalalayo nang matagal sa computers.

Makikita rin ang circuit/proto/bread board para sa aking digital circuits lab project. Kaya makakadukot ka ng iba’t-ibang resistors, capacitors, LED’s, switches, wires, AND at NOR gates, 74LS86′s, JK flipflops (not for the feet), pati na rin ang BCD display na parang sa calculator. Sana matapos na namin ang project na yan, na nung friday pa ang deadline.

Treasure talaga ang bag ko na yan dahil mas marami pa siyang lamang pera kaysa sa pinagsamang halaga nung nasa wallet ko at bulsa. Nariyan kasi ang ipon ko, kung meron man, na madalas nauubos sa pagkain, hehe.

Kaban rin yan sa aming bahay dahil kung may nangangailan sa amin ng perang panukli sa nagbayad para sa mineral water, pantaya sa jueteng (shhh), pambili ng meryenda sa naglalako ng kakanin, baryang pangtraysikel at dyip, o nuong pasko ay pambigay sa nangangaroling ay konting dukot at halukat lang sa loob ng aking bag ay may pera na. Kung barya lang naman e hindi ako magrereklamo. Pero pwede ring iloan ang perang naipon ko nang walang interes, basta ba bayaran lang kapag kailangan ko na at please, walang gulangan, dahil hindi ko naman binibilang kung magkano nga ang andyan. Suki ko ang nanay ko diyan.

Akin rin nga pala ang magnifying glass na yan dahil malabo na ang mata ko at ayaw ko namang magsalamin at asiwa rin ako sa contact lens, biro lang. Matagal ko lang kasing gustong magkaroon nun, hehe.

Haha, nakalimutan kong meron akong tatlong notebook, apat na bolpen, yellow pad at samu’t saring readings.

(Habang isinusulat ko ito ay kumuha na naman ang nanay ko ng barya)

I’ll live forever, or die trying.

Go Extreme. Ilang mura kaya ang lalabas sa bibig ko kung tumalon ako mula sa isang eroplano at mahulog pababa sa mundo? Magpaikot-ikot sa ere at magpatambling-tambling sa mga alapaap. Sarap siguro nun, hehe. Kapag namatay na ako’t hindi ko pa ito nagagawa, o lang kahit tumalon ako mula sa langit at mahulog sa impiyerno, pwede na, makamit ko lang ‘to. Hmmm, kaya dapat talagang magawa ko ito bago ako kunin ni Lord, haha.

Buy a vowel. Noong bata pa ako ay sabik na sabik akong maging 18, para makasali na ako sa mga game show. Nakailang text na ako nitong nakaraang dalawang taon para maging studio contestant pero hindi pa ako napipili ng electronic draw nila. Talagang malas ako pagdating sa bunutan, haay. Magtetext na ako para sa Wheel of Fortune, hehe. Sana mapili.

Bake, bake, bake. Dream business ko na siguro ang magkaroon ng panaderia, bakery shop, pastry shop, o kahit na anong may kinalaman sa pagbe-bake. Small business lang sa isang rural area. Pero hindi pa talaga ako nakakapag-bake ni minsan, dahil wala naman kaming baker (corny). Meron kami dati, oven toaster, pero naaalala ko lang na niluto ko du’n ay isang piraso ng clay na hugis tao, hindi sunog, hindi rin hilaw, kundi lusaw. Mabuti na lang at hindi siya nabuhay.

Me on paperback. Gusto kong maipublish sa isang libro=) astig yun. Kahit na maisama lang ang pangalan ko, maisingit sa acknowledgements, ganun, hehe. Mabanggit ng kung sinong writer na nakakilala sa akin o ‘di kaya’y maisama ang naisulat ko mismo, mas maganda yun. Sana makaisip ako ng text kowt na sobrang malupit, haha.

One-time Third eye trial. Gusto kong makakita ng multo kahit isang beses lang sa buhay ko, este, sana isang beses lang pala sa habang panahon na ako’y nabubuhay. Ayoko nung feeling lang na parang may multo, o sigurado kang may multo pero hindi mo naman nakikita, madalas naman mangyari sa akin yun. Gusto ko yung kita talaga, hindi malik-mata, hindi anino, hindi lumilipad na pinggan o sumasaradong pinto. Face-to-face, ‘wag lang nakadikit. Huwag rin yung nanghahabol o nananakot, nangangain o nanunumpa. Gusto ko yung try-hard na multo, yung pepekein mo na lang yung takot para magkaroon naman siya ng fulfillment sa bu— hmmm.. sa kabilang-buhay.