Rak en Rol!

kikomachine strip

UP Bahay ng Alumni, ika-16 ng Mayo 2009 — Hindi ako komiks fan talaga pero ewan ko ba’t napasugod ako sa Komikon Summer Fiesta. Tatlong bagay lang naman ang naisip kong makamtan nuong araw na iyon. Una, bilin ang ika-pitong libro ni bob ong, ang Kapitan Sino. Pero habang nakapila ako sa loob ng komikon ay may nag-msg sa akin.

Pupunta ka bang book launch? Discounted ang price.
Saan ba?
Dito sa MOA.
Hala, e andito ako sa komikon. Hanggang anung oras ba?
12nn. May mga pupunta din diyan mamaya.

Hindi naman kasi komiks ang Kapitan Sino, pero bakit naman MOA pa?? Ang layo-layo. Pangalawa kong gusto e ang makabili ng unofficialuse t-shirts na may ABNKKBSNPLAKo?!! at Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Plilipino? Pero pagdating ko dun e ubos na ang sizes. 0 out of 2.

At least  nagawa ko yung pangatlo, ang bilin ang ika-limang Kikomachine Komix, Alab ng Puso Sa Dibdib Mo’y Buhay! Kaya kumpleto ko na ang compilation series ng komix na kinatatampukan ng mga estudyante’t guro, tindero’t mga gwardiya, drayber, kadorm, kaklase, kagrupo sa project, kasakay sa dyip, katabi sa exam, atbp. Asteeeg.

Kikomachine Komix

At may bonus pa. Bukod sa mga cute na mga girls na kahit matagal umusad ang pilang pinilahan ko naging sulit na rin, dahil ang nakuha ko naman sa dulo ng pila na iyon ay pirma galing kay Manix Abrera! Na pinahirapan ko pa kasi lima yung pinapirmahan ko sa kanya, hehehe:P

Autograph from Manix Abrera

Pero over-all, OP na OP ako dun sa komikon dahil hindi naman nga talaga ako komiks fan, hehehe:P ‘Tas wala pa naman ako kasama, hehe. Hindi rin ako hardcore manga o anime fan. Anung malay ko sa mga dun e hindi nga ako marunong magdrowing. Nagfi-feeling lang ako, haha. Sa iSketch pwede pa, pero cartoon characters? Goodluck. Pero ngayon ko lang naalala, may comic strip akong ginawa nuong elementarya pa ako, sa likod ng Math 6 notebook ko. Full-page comic strip. 7-frame silent cartoon. Teka, hanapin ko kung may picture ako.

After 10 minutes. Wala pala, hehehe. Pero meron ako dito, yung trip kong idrowing nuong hayskul. Parang itatato lang na henna na ewan. Nag-uubos ako ng tinta ng bolpen nun.

Metal Shark

*Nga pala, dumaan na lang akong Powerbooks Trinoma para bilin ang Kapitan Sino:)

Bago nga kaya?

mga libro ko

LP logoSabi ni @bob ong, “kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papel”. Pero ano nga naman ba ang gagawin ko kung hindi ko talaga matagalan ang pagbabasa sa ilan sa mga ito? Siguro uumpisahan ko sa simula, babasahin isa-isa ang mga pahina, ‘tas maglalagtaw ng ng dalawang pages, tatlo, apat o lima. Pagkatapos ay lalagtawan ang buong chapter at bago ko pa marealize, ayun, nasa back cover na pala ko.

Ayun, nabasa ko na kuno ang buong libro’t ilalagay na sa kanyang lugar sa improvised shelf na yan, at hindi na muling mabubuklat? ever.

Pero hehe, ‘di naman laging ganun, dahil sa limited ang budget ko, sinisigurado kong gusto ko talaga ang isang libro bago ko bilin. Ang di ko lang naman nagugustuhan ay yung mga required references sa school, lalo na yung sa Math:P

Madaling malaman kung paborito mo ang isang bagay, yun yung mga mabilis maluma, gula-gulanit, may mga sira at dumi. Pero ginagamit mo pa rin.

Ito ang aking lahok para sa ika-29 na linggo ng litratong pinoy na may temang Bago nga kaya? Ang litrato ko ay kinuhanan kanina, ang dating lalagyan ng tv na ginawa kong bookshelf, dito sa tabi ng aking pc. Tignan ang ibang pang mga bagay na kapag nakita mo’y mapapatanong ka kung “bago nga kaya?” sa mga lahok ng iba pang miyembro.

Follow (the scent of) BO.

Q: May BO ba si BO?
A: Gusto mong suntukan?!??

FAQ’s (Bobong Pinoy for Dummies)

Siguro nga walang BO si BO pero ang sigurado, makikipagsuntukan siya kapag tinanong mo. Teka, bob ong na naman ba ang ipopost ko? Hehehe. Super fan kasi ako:D Pero nasaan na kaya si BO? Green, yellow, black, orange, white, red, nahihirapan kaya siya mag-isip kung anung sunod na gagamiting kulay para sa cover ng next book?

Dahil dati e kakalabas pa lang, kung di man ay ilang buwan bago matapos irelease ang libro niya ay may balita na kagad para sa next book pero wala pa ata akong nababasa, bukod sa poll na ito kung saan pinagbobotohan ang susunod na kulay ng libro ni bob ong. Dati meron na kagad page ang upcoming book sa homepage ni bob ong sa visprint, pero wala pa rin hanggang ngayon. Ibig sabihin ba nuon e hindi pa niya inuumpisahan? Pinahulaan pa nga ang title ng book 5 dati gamit ang clue na, “sinalolegsatassnitenga”. Nahulaan mo kung ano?

Pero sabi nga ni bob ong, e ayaw niya ng fans dahil nadidiktahan siya sa kung ano ang susunod niyang gagawin. Paano kung wala na pala si bob ong? Sino ang moderator ng bobongpinoy yahoo groups? Sino ang naglologin bilang bobongpinoy sa gmail? Maayos na ba ang lovelife ni Vina Morales?

Hala, saan ba napunta ‘tong post ko na ‘to e gusto ko lang naman ihayag na gumawa ako ng twitter account na magpopost ng kowts ni bob ong araw-araw, bandang 8:08pm +8GMT, o ha, swerte yan.

Twitter.com/BobOng

At kung may magtatanong man ay automatic ang paglalagay ng quotes diyan at hindi na ako. Ifafollow ka rin ni bob ong kapag inaadd mo siya:) Kaya anu pang hinihintay mo, follow BO!