Siyempre, ang paborito namin e yung picture namin! Hehehe. Ito ang aming lahok para sa ika-52 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Paboritong litrato. Ang picture ni komski ay yung creative shot niya para sa graduation picture at ang litrato naman ni karmi ay wala lang, cam-whoring lang sa opisina. Bisitahin ang mga paboritong litrato ng iba pang mga miyembro dito.
Tag Archives: litrato
Ituring mo ang oras bilang ginto.
Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo, unti-unting nauubos ang bawat segundo. Walang kapagurang nagsisitakbo, naghahabulan ang mga kamay ng relo. Nag-uunahan, nagkukumaripas, pabilis ng pabilis, naiiwan na ako.
Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo, panahon ay lumilipas at lahat ng bagay dito ay isa-isa nang nagbabago. Darating. Mananatali. Ngunit lahat ng mga ito’y mawawala, at sa di inaasahang panahon ay tuluyang maglalaho.
Pumapatak ang oras, umiikot ang mundo. Kahit gaano man kahigpit ang pagkakakapit mo, unti-unting dudulas, magpupumiglas, at kakawala sa pagkakahawak, pagkakatali, pagkakabigkis mo.
Ituring mo ang oras bilang ginto.
Ito ang aking lahok para sa ika-25 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ginintuan. Ang litrato ay kinuhanan kanina, habang hawak ang aking relong kulay ginto ang mga kamay. Bisitahin ang iba pang nagkukuminang na mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.
Ayoko sa madilim,
takot ako sa mumu!
Ito ang aking lahok para sa ika-22 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ayaw ko. Ang litrato ay kinuhanan sa may 2nd floor ng Computer Science Department ng UP Diliman, na napost ko na dati. Bisitahin ang mga bagay na ayaw ng mga miyembro dito.


