Lunurin

ang misteryong bumabalot sa iyo’y
nakadaragdag sa iyong kagandahan,
sa pananabik sa mukha mong
walang anumang kasiguraduhan.

ang itsurang hindi mabatid ninuman
ay tanging sa panaginip pinupunan.

sa lahat ng aking mga katanugan,
sino, saan, paano, kailan?
ilaan mo sana ang kasagutan
dahil sa aking mga pinapangarap,
ikaw ang siyang lubos na katuparan.

ang mga mata mong hindi nasisilayan
ay nagniningning rin bang parang
mga tala sa kalangitan?

ang boses mong hindi napakikinggan
siguro’y parang pagtawag ng kanyang ina
sa isang anak na naliligaw.

na marinig lang ang pagsambit mo
sa aking pangalan,
lahat ng aking kinakatakutan
nawawala, naglalaho, lumilisan.

haplos mo ba’y yakap sa kalungkutan?
ngiti ba’y liwanag sa kadiliman?
halik mo ba’y kasing sarap ng tubig
sa katawang bilad na naaarawan?

maisasalba mo ba ang pusong nalulunod
sa karagatan ng kagandahan mong hatid
sa isang sa ilog lang naranasang lumangoy?

hahayaan mo ba akong tangayin ng iyong alon
at sa iyong kalaliman ako’y malamon?
o magtatampisaw na lamang
sa laan mong dalampasigan na bukana lang
ng tunay na taglay mong kaligayahan?

Nasaan ka?

Kapag nagko-code ako ng programs, lalo na kung mahirap na machine exercise o problem, ay naiisantabi ko ang maraming bagay. Hindi na ako nakakakain, nakakalimutan manood ng paboritong anime, nalilipasan ng antok. Kaya nga laging kong inahahalintulad ang programming with gaming.

Pero merong bagay na mas malakas pa kaysa sa urge na ito.

Iniisip ko siya at kung makikita ko pa kaya siya muli. Hindi ko matapos-tapos ‘tong walang-hiyang ME na ito dahil sa tuwing nag-iisip ako ng maayos na structure ng object references ay laging nauwi sa pag-iisip ko sa kaniya.

Pero parang suko na ako. Hindi ko na siya makikilala, lalo tuloy tumitindi ang pagsisisi ko sa hindi ko pagsasamantala sa pagkakataong nagkaroon ako.

If I gave her my number, would she text me? Would she give me another chance to see her?

I stopped doing the methods of the router program of our packet routing simulator when I had the urge to write about her. An urge that I cannot resist. Dahil yun lang naman ang kaya kong gawin sa ngayon. I could only think about her and how she captivated me.

I want her.

Isang pagkakataon

hindi man kita nakilala
ni hindi man lamang nakausap
ay magiging sapat

na nalaman kong mayroong ikaw.

na mayroong katulad mong
hindi nalalayo sa aking mundo.

na sa bawat hakbang ko’y
ako’y may aasahang mukhang nanaising
tumambad sa isang kisapmata.

sana’y makita kitang muli.

hindi ko man narinig ang boses mo’y
ito’y pupunan sa aking mga panaginip

dahil ngayo’y lumikha na ako
ng isang pangarap na kasama ka.

Siya na ngayon ang laging nasa isip ko.
at wala na akong ibang magawang matino
ni hindi ko nga maumpisahan ang machine exercise
na kailngang ipasa bukas,
kaya lagot ako sa mga kagrupo ko.

sana makita ko siya, sana makita ko siya ulit
at makausap, makasama.

gusto kong mahulog nang tuluyan ang loob ko sa kaniya.