Kundiman[dot]net

Isang tradisyonal na awit ng pag-ibig ng mga Filipino. Karaniwang ipinapahayag sa awit na ito ang matapat na pag-ibig ng isang manliligaw na handang magsakripisyo at maghirap para sa kanyang minamahal.

- Kundiman, WikiFilipino

Ang bigat naman nun, pero hindi naman yan ang una naming naisip sa domain name na napagkasunduan namin, kundi ang kanta ng silent sanctuary na pareho naming gusto.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Para kang asukal, singtamis mong magmahal. Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta. Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan. Para kang kumot na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot.

Kaya’t ‘wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala.

Kung hindi man tayo hanggang dulo ‘wag mong kalimutan. Nandito lang ako, laging umaalalay. Hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.

- Silent Sanctuary, Kundiman

Isang araw din naming pinag-isipan, fourteen(unavailable), karmski (jologs at corny), bakitngayonkalangdumating (ang haba, parang teleserye), bloghouse (huh??)…

kundiman.
kundiman… hmmmm. i like the song. hehehe.
hehehe. tas kakantahin natin. hehehe.
hala. hehehe. aun pwede .net
o?
oo, bilhin ko na? para mailagay ko na bago ako umalis. :)
oo nga.
ok lang sa akin. hehehe. kundiman.net
:)
pwede.
ayus.

Kaya ayan. Lumipat na naman kami, kasi naman, wirdu ang karmi.at.komski.net. Madalas ‘di maaccess sa Pilipinas, minsan sa Amerika hinde, minsan pareho. Wirdu na nga, mahaba pa. Ang hirap i-type di ba? Pa-update na lang po ulit ng mga links:D Promise, kapag nagkaproblema pa ito, magbebreak na kami ni karmi, hehehehe, joke.

isang letra

simulan mo ang kanyang ngalan
na matagal ko nang ninais malaman
ilapat ang bolpen sa papel
na kanina ko pa tinititigan

hayaan mong kumalat ang kanyang tinta
upang hubugin ang isang linyang pababa
na may kurba sa dulo pakaliwa
at isang bilog na tuldok sa itaas
bilang panghuli nitong marka.

umpisahan mo ngayon ang pinag-ugatan
ng aking walang hanggang mga tula
sumulat habang masayang inaalala
ang isang hindi malilimutang mukha

sa isang titik, sa isang letra
literal man o hindi sa pagkakaunawa
dahil kung sa ingles lang na salita
ligaya’y sa iyo rin nagsisimula

kapangalan

sa simula’t sapul talaga,

hindi ko na ginusto na meron akong kapangalan, kahit hindi eksaktong kapareho, kahit katunog lang.

kung bakit kasi nakapanood pa ang nanay ko ng nilintikang pelikula na yan ni sharon, edi sana hindi na ako nakakaranas ng ganitong mga agam-agam.

sana iba na lang ang pangalan ko, yung walang kapareho