Nosebleed at MyBlogLog

At ano naman ang kinalaman ng dalawang yun kung maitanong mo? Una ay MyBloglog dahil may ginawa akong isang mashup ng MyBlogLog at Google Maps kung saan makikita mo sa mapa kung saan nakatira yung mga recent readers ng blog mo:D Parang ganito:

MyBlogLogSphere

At bakit nosebleed? E kasi kelangan kong i-explain ang ginawa ko sa ingles para maintindihan ng mundo:P hehehe. Narito ang about page ng mashup na pinangalanan kong MyBlogLogSphere!

O ha, walang ‘k’ kahit saan sa name yan tsaka di ko nilagyan ng ‘komski’ sa unahan, haha:P Try mo yung ginawa ko, basta may blog ka lang na gumagamit ng MyBlogLog, ayus na. idugtong mo lang ung URL ng blog mo sa dulo ng http://kundiman.net/mybloglogsphere/ para makakakuha ng URL tulad ng:

http://kundiman.net/mybloglogsphere/kundiman.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/idlip.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/kalawakan.info
http://kundiman.net/mybloglogsphere/painuminmoko.idlip.net
http://kundiman.net/mybloglogsphere/komski.awardspace.com

Try mo na, please! hehe:) ETo nga pala yung tinwit ng MyBlogLog nung nalamann nila tungkol sa mashup na ito, hehehe. http://twitter.com/mybloglog/statuses/1119272212

Twitter / mybloglog

Incomplete

Thesis lab

Wala man lang akong ginagawa sa magulo na naming thesis prototype. Kasi naman, ang dami-dami kong naiisip na gustong gawin, at mukhang yun ang pinaka-ugat ng aking kawalan ng gana sa pagtatatrabaho. Masyado akong natuwa, na-overwhelmed, at napako, sa kaiisip…. na naman. Kasi naman, ang dami-daming balakid sa pag-usad ng aming proyekto. [Warning: Programmer's rants ahead]

Una ay sa kakulangan namin ng kagamitan upang masubukang mapagana ang mga programs na aming pinagkakapuyatan. Kaming tatlo ay may kanya-kanyang cellphones ngunit isa lamang sa mga ito ang may kaya sa kung ano ang gusto naming mangyari, ang magrun ng java applications na gumagamit ng native methods. Isipin mo naman, paano ka gaganahan magcode kung alam mo naman na hindi mo matetesting kung gumagana yung ginagawa mo. Para kang magluluto nang alam mong wala namang kakain, kahit ikaw. Oo, kahit ikaw.

Gumagamit naman kami ng emulator sa pc pero siyempre, hindi naman papayag ang mga judges kung ganun. Dapat totoo, real-life. Analogy ulit: Parang, tingin mo, papayag ba yung judges na iimaginin lang yung lasa ng niluto mong pagkain? Siyempre dapat matitikman nila, haay. Maganda pa'y bigyan nila kami ng compatible devices!

Ayoko na nga, naaasar talaga ako, haha. Pero natutuwa naman talaga ako sa aming project, at gusto ko siyang magkatotoo. At dapat lang, dahil ayoko nang magthesis ulit next year. Maganda talaga yung project, considering na papalaki nang papalaki ang storage capacity ng mga mobile devices at ang data connection rates between them.

Ayoko na, sana may bumatok lagi sa ulo ko para magtrabaho. Kailangan, dapat, sana. haay. At kita mo naman kung anong pinaggagagawa ko habang ang mga kagrupo ko ay nagcocode, hehe. Galit na panigurado sila sa akin. Ang tamad ko kasi e, asar.

Oo nga pala,  baka hindi ko na makumpleto yung pito na kailangan para sa tagged entry, hehe. Hanggang lima lang talaga, wala na akong ibang maisip pa. Hindi naman pwede pilitin. Isusulat ko na siya next time=) Inspire me, at baka maisama pa kita sa listahan, hehe=)

Walang magawa

happy

Ganito kapag walang pasok sa eskwela, 'pag walang nararamdamang pressure sa mga deadlines (dahil kahit sembreak meron), 'pag wala pang Willie of Fortune, at kapag wala pang bagong episode ng Naruto Shippuuden, kapag ganito at sa marami pang ibang kadahilanan, wala na naman akong magawa.

Marami rin akong kailangang gawin bukod sa wala (Hmmm, parang ang gara nun ah). Nariyan ang thesis prototype namin na ipapakita kay sir sa Biyernes. Nakatoka ako sa local file search sa mobile phone. Oo nga pala, ang thesis namin ay pinamagatang "P2P File Sharing over Bluetooth Ad hoc Networks".  At ang laki nga ng problema namin, dahil ang laking balakid ng Java Midlet Signing.

Kailangan kasi na certified ang application para makagamit ng native functions ng phone. At gudluck naman dahil 22,000 pesos ang certificate mula sa Verisign. At san naman kami kukuha ng ganung kalaking pera? Pero may option naman, sa Java Verified Program kung saan isa-submit mo ang application sa kanila for testing at kapag naging maayos ang lahat, ay ise-certify nila ang app for distribution. Ok di ba? Pero ang kaso, bawat submit mo ay magbabayad ka ng 15,000 pesos.

Pero hindi dun nagtatapos, dahil kapag may bug at hindi pumasa ang app sa kanilang standards ay ibabalik at ipapaayos sa iyo at kapag sinubmit mo ay panibagong 15,000 pesos ulit. Galing di ba? Pero eto pa, magbabayad ka ng 15,000 pesos kada phone model na gagamitin sa testing! Per phone model! (kung Nokia 6600, Samsung G65, LG U250, ganun) Nadepressed ako ng dalawang araw nung nadiscover ko ito last week.

Nagtag si chelsea tungkol sa huwaw, tagboard!™ na matagal ko na ring kinalimutan. Pero ngayon ay may mga bago na akong pangarap para sa service kuno na ito. Gusto kong gumamit ng gravatars, para makita yung picture ng mga nagtag, hehe=) Gusto ko rin gumamit ng photo hosting site para mas madali para sa mga users na mag-upload ng mga icons. Siguro magagawa ko ito sa bakasyon, summer siguro, hehe. Basta.

[Curse smartbro: hindi pwedeng mag-ftp dahil sa NAT infrastructure ng network na implemented nila]