“Pwede ka na tumawag.”

[Update: Pwede ka na ulit tumawag (October 11, 2009)]

Matagal-tagal na rin kaming magkarelasyon ni karmi (hehehe, magkarelasyon) na batid naman ng lahat na isang long-distance relationship ang meron kami. Nasa ‘Pinas ako, nasa Amerika naman siya, na kung susukatin ay lagpas walong libo’t apat na raang milya ang layo ng mga bahay namin.

pano mo nalaman? :P ang layo. grabe. hehe
mineasure ko sa google maps :P
geek. :P
lalagay ko sa post ko
ganon kalayo pero sa tuwing kausap kita, parang andyan ka lang. pwedeng makasama. mayakap. :P
wag ka nga magdrama :P
:P bat ba

Grabe, puro kami belat :P At nabanggit na rin lang ni karmi na kapag nakakausap ko siya’y parang andun lang ako, yun ay dahil marami namang magagamit talaga online para magawa iyon. At dahil na rin hindi naman talaga kami nasa harap ng PC lagi, lalo na kung nasa work kuno si karmi, ililista ko ang mga pwedeng gamitin para tumawag sa cellphone mula sa isang PC.

Gamit ang mga ito ay natatawagan ko na ang baby ko para gisingin siya sa umaga sa kanila, o kung bitin ang pag-uusap namin dahil aalis sila ng bahay, o kadalasan ay tuwing nasa work siya:D kung saan bawal ang YM.

Continue reading

Gaano na kayo katagal?

… Ah.. ewan… uhmm… 3 months?

Nung June kami unang nagkitang dalawa ni karmi at nuon din ay napag-usapan namin kung ano ang magiging anniversary namin, hehehe, na ang alam ko dapat ay ang date kung kelan kami naging kami.

June 14, 2008.

May mas iespesyal pa ba sa araw na yun? Unang araw na nakita namin ng personal ang isa’t isa kaya’t wala ng mas aangkop pa na petsa para sa pagsisimula namin bilang kami. Gara naman nga kasi kung ang isasagot naming date e yung nung hindi pa kami nagkikita. Panu yun, online lang ‘tas naging kayo na?

Dahil kung iisipin ay halos walong buwan na kami ni karmi. Oo, Enero pa lang ay hindi na kami basta blog friends lang kundi higit pa ro’n. Kahit kami, ngayon lang nakakilala ng dalawang bloggers na nagkamabutihan no, hahaha. Hindi na rin namin tuloy ipinakita sa iba na may nangyayari na pala. Pero kalauna’y ‘di na rin napigilan, mahirap talaga itago ang sayang nadarama.

Medyo malayo-layo rin ang aming narating mula nung nagkakilala kami bago matapos ang taong 2005.

Kahit kami, di rin namin inakala na dito pala ang kahahantungan namin. Kaya nga hindi na ulit ako mang-iispam ng mga tagboard, hehehe, ever. Nakita ko na kasi siya e. Matagal-tagal na rin, naging malungkot, malabo, magulo at ngayon nga, masaya. Sobrang masaya:D

Session

Happy monthsary! *yakap* baby ko:*

Kung nung dati’y ang iniiwang mensahe sa tagboard ay kadalasang hello! padaan lang:D, ngayon ay may pa-ilove-iloveyou baby pang nalalaman, hehehe.

Let the drama begin.

Tama, sa lagay na yun ay masaya pa ako nung isinulat ko yung huli kong post, pero kanina habang hinihintay kong kumulo ang tubig kong ipangtitimpla ng kape ay medyo napalalim ang aking iniisip. Kaya ko ba talaga ito?

Matagal ko nang sinasabi kay Carme, sa aking mga comments sa kanyang blog tuwing magpopost siya tungkol sa kanyang relasyon dati, na “ayoko talaga ng isang long-distance relationship”. Paulit-ulit, tuwing magkukwento siya, na ayoko dahil natatakot akong baka hindi ko makaya. Dahil.. dahil.. dahil alam kong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Mabuti na nga lang at isang baso lang ang aking pinakukulo, kundi ay baka nasiraan na siguro ako ng bait kakaisip. Ang hirap. Iniisip ko pa lang nahihirapan na ako.

Oo nga, may internet naman, may chat, webcam, twitter. Pero iba pa rin yung katabi niya ako sa tuwing kailangan niya ako, o kailangan ko siya. Hindi sa lahat ng oras ay naroroon ako para sa kanya. Ano, kapag kailangan niya ko e hahanap muna siya ng computer para makausap ako? Kaya ba ng 140 characters per text para maramdaman niyang kasama niya ako kahit hinde? Paano kung umiiyak siya, titignan ko na lang siya sa monitor habang lumuluha dahil sa wala naman akong magawa at paulit-ulit na sasabihin na sana katabi niya ako para mayakap ko siya?

Sobrang hirap nun.

Alam kong ang buhay namin ay mas madalas nasa harap ng pc, araw-gabi nagsusurf, nagtatype. Pero hindi naman sa ganung lugar nangyayari ang mga mas mahahalagang parte ng buhay. Hindi talaga e. Higit na mas malawak ang mundong pangyayarihan ng mga mas malalalim na karanasan. Sa ganung mga pagkakataon, gusto ko kasama niya ako, katabi at kahawak ng kamay. At hindi ko iyon magagawa sa sitwasyon kung saan hindi ko siya agad-agad na mapupuntahan, o sadyang hindi talaga mapupuntahan kahit na gaano ko pa man gustuhing gawin iyon.

Hinihiling ko na lang na sana, sana’y walang mangyari sa mga bagay na ikinakatakot ko, hindi ngayon hanggang sa panahong makakasama ko siyang muli. Dahil sa oras na makasama ko na siya’y mas mapapanatag na ang aking loob. At kung hindi man palarin ay sinasabi ko sa iyo Carme, na hindi kita iiwanan, hindi kita bibitawan, dahil ikaw na rin ang dahilan kung bakit kahit alam kong mahihirapan tayo’y susuong pa rin ako..

Dahil higit naman na mas marami akong maibibigay na dahilan kung bakit ko gugustuhing mahalin ka, yun nga lang, hindi talaga maiaalis na minsan ay magdrama dahil kilala mo naman ako na isang emotero ring katulad mo. Mahirap, pero kakayanin natin ‘to.

Ang nakapanghihinayang lang sa lahat, nasasayangan talaga ako sa panahong hindi kita makakasama.