Gusto mo ba sumama?

May siyam akong tickets dito para sa Enchanted Kingdom. Pero ewan, hindi ko alam kung tickets ito para makapasok sa entrance. Hindi naman ata, hehehe. Hindi ko alam kasi hindi pa naman ako nakakapasok dun.. Oo, hindi pa ako nakakapuntang Enchanted Kingdom:P

Enchanted Kingdom

Grabe di ba? Kasi naman, after kong makagradweyt ng elementarya ay tsaka nagbago ng prinsipal ang pinapasukan kong iskul at nung sumunod na taon ay nagfieldtrip silang lahat sa EK… after namin makagradweyt.

At ang pinasukan ko namang hayskul, gaya ng elem ko, ay nagpalit din ng prinsipal at guess what, ‘di approve sa kanya ang pagfifieldtrip sa isang theme park, ‘di gaya ng pinalitan niyang punongguro. Sakto.

Hindi ba niya alam na nafeature sa Sineskwela ang EK dahil sa maraming kapupulutan ng aral dito tungkol sa pisika at teknolohiya? Mapapaisip ka talaga sa mga mekanismong nagpapaandar sa mga masasakyang rides dito. Bawat sentimetro kubiko ng mga makinaryang makikita mo ay punong-puno ng mga panghikwat (lever), kalo (pulley), pakol (wedge), turnilyo (screw), gulong at ehe (wheel and axle), hilig na patag (inclined plane) at mga mas kumplikado’t mas maligoy na kalipunan na makabalighuan na dahil sa kanilang pagkasopistikadong pagkakagawa.

At paano na ang pag-aanalisa sa mga kemikal na nililikha ng iba’t-ibang organs sa katawan upang makaramdam ang isang tao ng saya, takot at pagkabalisa, gulat at sorpresa?

May mga bagay sa mundo na makikita mo lang kung hahanapin mo ito.

physics 71 ender

nandito ang reply ng instructor ko sa physics 71, nung tinanong ko kung paano kapag hindi ako nakapagtake ng finals?

hello arvin. actually passing na ang standing mo even if zero ang finals! right now 2.75 ang equivalent grade mo.

ang policy sa physics 71, pag excused ang absence mo, INC ang grade (incomplete) tapos once you take the finals next sem mapapalitan na ang INC with your final grade. kaso nga lang ma-de-delay ka ng isang sem.

actually na-pass ko na sa registrar yung INC (or “incomplete”) grade mo. pero not to worry, madali siyang mabago anytime, in time for next sem…

i can consider your reason for missing the finals as an “excused” absence pero i leave the choice to you:

(a) pag mag-finals ka next sem, you can get as high as 1.5 (pag na-perfect mo ang finals).

(b) pag gusto mo na matapos yung physics 71, i can just automatically give you a zero score sa finals and you still pass physics 71 this sem with a grade of 2.75.

actually win-win situation siya in my opinion. i congratulate you dahil maganda ang performance mo for the entire course, and isa ka pa sa 2 highest nung 1st long exam!

so just notify me when you have made your decision

let’s get physics-cal

Ako siguro ay may timbang na 55kg, at kung ibabase sa equation ni einstein na E=mc2

E = 55kg (299,792,458 m/s)2
E = 55kg (89,875,517,873,681,760 m2/s2)
E = 4,943,153,483,052,496,900 kg m2/s2
E = 4,943,153,483,052,496,900 Watts

Kung gagawin akong isang nuclear bomb, ang lakas nito ay aabot sa 1 Gigaton ng TNT o isang bombang 50,000 beses na mas malakas kaysa sa bombang pinasabog nila sa Nagasaki at Hiroshima noong panahon ng giyera.

Aabot ako sa 4,943,153,483,052,496,900 Joules per second o 1,373 GigaWatthours ng enerhiya. Sapat ito para tustusan ang kuryente ng buong Pilipinas sa loob ng 8 milyong taon**.

Kung gagamitin ako bilang fuel ng makina, maglalabas ako ng 6,626,211,103,287,529 horsepower. Higit ito sa pinagsamang lakas ng isang trilyong mercedes? clk-gtr na nilalaro ko sa need for speed 3.

Pero bakit ko naman gagawin sa sarili ko yun.

** kinalkula gamit ang datos mula sa microsoft encarta? 2003