Minsa’y ang mahalaga ang hindi napupuna.

Magiging masaya, mapangarap, mahirap, matrabaho ang aking bakasyon– ooops, hindi pala ito magiging isang bakasyon dahil ako ay sasailalim sa isang on-the-job training. Late na kaming dumating sa may conference room, dito sa ikapitong palapag ng Net Square building, Fort Bonifacio [map]. Yang sa wikimapia ang aking pilit tinandaan bago kami unang beses pumasok sa kumpanya. At oo, naligaw kami, hehehe, konti lang naman.

Basta malapit sa may McDo.
Teka, nasan ba yung 28th Street?
Ewan, uy uy kumakaliwa tayo.
Bababa na ba? Saan ba kasi?
Oi bumukas na yung pinto, baba na tayo tara bilis!

Naniniwala pa rin ako sa bumaba-pagbukas-ng-pinto rule, dahil kahit hindi man ito ang pinakamainam na gawin, safe ka naman. Malay mo hindi na ulit bumukas yun at habambuhay na kayong nagpaikot-ikot sa paligid ng The Fort?

Ang layo. Doble ata ang layo nito sa karaniwang tinatahak ko mula sa amin papuntang iskul. Gudluck sa pagiging isang prominenteng late-comer. Alas-otso ang pasok kaya gudluck sa biyahe, lalo na sa bandang North Avenue station ng MRT. Dati rati ako’y namamangha lamang habang nakaupo sa loob ng bus at nakatanaw sa mga nagsisiksikan, naggigitgitan, at hindi makahulugang-kara– hmmm, at hindi makahulugang-butas ng karayom na dami ng tao na sasakay. Grabe.

Malay ko bang makikiisa na ako sa kabaliwang ito? Ang mangyayari’y sa kalahatian pa lang ng biyahe ay bagsak na ang katawan ko. Pero ang mainam sa lahat ng ito, naka-aircon ako buong summer, woohoo! Hehehe. Yun nga lang, gudluck pagkauwi sa bahay. Paniguradong diretso na ako kaagad sa kama para makapagpahinga, ‘tas gising na lang ng 12 ulit para makapag-online, di ba carme? Hehe.

Ah, magkano po yung magiging allowance namin?

This was the moment of truth. Pinagpalit ko yung isa pang kumpanya na tumanggap din sa akin para dito, hehe. Kaya dapat mas malaki ang sweldo:) Malaking factor din naman kasi di ba? Sino ba naman ang hindi gusto ang malaking sweldo?

Nagkangitian kami, pero mas malaki ang ngiti niya, ang HR manager ng kumpanya. Hinihintay namin ang kanyang sagot, tahimik kaming nakinig sa susunod niyang sasabhin.

… Allowance niyo? … Surprise na lang yun!:D … …

Nasurprise kami sa kanyang sagot (oh yes, the irony). Kung bakit naman sa lahat ng pwedeng itagong aspeto nitong ojt ay yung sweldo pa ang napili niya. Pwede namang:

Surprise! Actually hindi kayo magpoprogram, marketer kami ng sabon at kayo e ipapakalat namin sa makati business area para maglako ng mga pampaputi na sabon, summer pa naman kaya in na in ‘to.

Ganun, ayun, surprise talaga yun. Pero surprise ang sweldo? Sana lang masayang surprise yun:D

Baka naman iniisip mo kung anu yung tinutukoy ko na mahalagang bagay na baka hindi napupuna. Hmmm, baka lang naman, kasi kung titignan mo yung location bar sa taas, wala ka na sa tim.kundiman.net, kundi ay nasa kundiman.net ka na.

O ha, kundiman.net na ako, hehehe. Salamat sa regalo carme:D

Kaya paki-update naman yung may mga links sa akin, hehe:) Hmmm, mga lima lang naman yun alam ko, hehehe.

Update April 8, 2008 12:00 am: Sa mga naghahanap ng isang birthday post, dahil birthday ko, a pumunta lang sa entry ni carme ko:D *yakap!*

Standing Room Only

Pakiramdam ko ay Muñoz na ang labas nito, sa haba ng nilakad ko mula sa may main building ng SM North EDSA para makapag-abang ng masasakyang bus pauwi. Iniiisip kong pakana ang lahat ng ito ng kabilang establisyemento dahil ilang pink signs rin ang nakita kong nagsasabing may maginhawang bus stop raw sa may tabi ng mall na nagpapaalala sa akin ng Zenki, kung saan nagliliwanag ang mga kalsada’t lumilikha ng isang hugis.*

Mainit ang sikat ng araw sa hapong ito kaya sana’y medyo bago-bago ang masakyan kong bus. Swerte naman at maayos nga ang aircon ng dumating na Philippine Corinthian, at may tv pa. Naupo kaagad ako sa may malapit sa unahan at agad tinignan kung anong pelikula naman ang mapapanood ko, na sana ay hindi Godzilla.

Pero naguluhan ako dahil ang nakita kong ipinapalabas ay si Mother Teresa ng Calcutta, habang siya’y may nagpapakain ng mga mahihirap at palaboy-laboy na mga bata. Kakaiba, naisip ko, relihiyosong konduktor naman ‘to, at mukhang boring e isang oras pa naman ang biyahe ko pauwi.

Mabagal siyang naglalakad nang nakahukot nang bigla na lamang nagsimula ang isang tugtog at siya’y umawit, isang musical, naisip ko. Mabagal lang ang musika sa umpisa ngunit bumilis ito nang bumilis at napatitig na lamang ako nang ang uugod-ugod na madre ay bigla na lamang tumakbo, sumayaw, nagpaikot-ikot, nagtatatalon, at nagpatambling-tambling. Hahaha, isang spoof film!

Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa sa komedyang aking napapanood. At namalayan ko na lamang na hindi pala ako nag-iisa sa pagkatuwa sa pinapalabas.

Hindi ko siya napansin nung ako’y naupo. Mukha siyang kasing-edad at malamang ay estudyante ring tulad ko, bagama’t hindi naka-uniporme. Siguro ay dahil sa kanyang bag at dala-dalang case ng malapad na papel, basta, hindi ko alam ang tawag nila dun.

Sabay kaming natatawa sa bawat bitaw ng punchline dahil bentang-benta ang slapstick at mga ironic, practical, at paradoxical jokes. Sa sobrang engganyo sa napapanood ay nagkakasabihan na rin ng kung anu-anong mga side comments, sabay tawa. Ang isang oras na biyahe’y hindi na namalayang lumipas. Nakangiti ako.

At sakto namang natapos ang pelikula pag-ahon sa may expressway exit. Natigil ang tawanan na napalitan ng katahimikan at kawalan ng kibo. Pinatay na rin ang tv at ako naman ang naghahanda nang bumaba.

Nang napansin ko ang kanyang kakaibang katahimikan na parang ‘di mapakali sa kinauupuan. Nakita ko na lamang na iniaayos niya ang kanyang bag at kinabahan ng maramdaman ang kanyang kamay na dumidikit sa aking tagiliran.

Naramdaman kong parang gusto niya akong hawakan, ang mga daliri niyang unti-unting bumabaluktot upang mahagilap ang aking t-shirt na parang hinahanap ang aking katawan. Agad-aagad tuloy akong napatayo sa aking kinauupuan at nakisiksik at dali-daling lumabas pababa ng bus.

Langyang bakla yan, tsatsansingan pa ako.

*Ang EDSA, North Avenue at Quezon Avenue ang mga kalsadang bumubuo ng Triangle North of Makati. Ilang tatsulok pa ay makakabuo na sila ng simbolong pwedeng gamitin sa Shake, Rattle and Roll 11.

Sinearch ko at ang pelikulang aking napanood pala ay ang Naked Gun 33 1/3: The Final Insult (1994) na binibida si Leslie Nielsen. Minsan ay nakakatsempo naman ako ng maganda-gandang panoorin. Nuong isang taon ata ito nangyari at mukhang naisalaysay ko naman ng eksakto sa aking pagkakaalala.

Sana Ngayong Pasko

Isang linggo na naming pinag-uusapan na hindi kami magpapasko ngayong taon. Dahil sa dinami-dami ng mga projects na kailangang gawin ay baka mawalan na kami ng libreng oras ngayong darating na Christmas break. Nariyan ang Android Mobile Phone App para sa CS 174, Friendster and Google Maps Mash-up sa CS 120, UPFI Database System sa CS 165 at siyempre, ang P2P Mobile App para sa thesis. Kamusta naman yun di ba?

Kaya ang magiging eksena'y  habang masaya ang lahat at nagkakantahan, kami naman'y nakasalumpok sa pc at nagcocode maghapon at magdamag, sana ganun, dahil dapat ay matapos ang mga ito ngayong pasko=) at ito ang unang kong wish, bilang sagot sa tag ni karmi.

Sana ay hindi ako magkasakit. Inuubo-ubo ako ngayon dahil sa sobrang lamig siguro, masakit ang lalamunan at mahirap lumunok. Hindi ko nga nga makanta yung part ko sa duet namin, hehe. Sana, matapos ko na rin yung kantang yun kahit bago mag-Simbang Gabi man lang.

Sana ay hindi ako tumaba pa lalo, dahil paniguradong mapapasabak ako sa kainan ngayong Christmas Season at alam kong kalahati ng mga kakainin ko ay ako ang magluluto, haha. Hmmmm, imposible ata ito ah. Babaguhin ko na lang, Sana ay pumayat ako next year. Oo na, sa sarili ko ring pagsisikap magmumula ang katuparan nito, hehe. At idedelete ko ang lahat ng magcocomment sa wish na ito, haha.

Gusto ko ng frosted glass mug, yung kulay puti, yung mataba at hindi yung matangkad. Hmmm, mahilig na ata ako sa mug ngayon, hehe. 

Gusto kong mamasyal, sa lugar na hindi ko pa napupuntahan, sa isang mall o kahit na anong pasyalan. Sana ay may mag-aya sa akin, hehe=) Pero yun nga lang, iko-contradict nito amg una kong wish. Pero kung isang araw lang naman, haay.

Gusto ko ng coin purse, dahil ang nabili kong bag ay isa lang ang bulsa bukod sa bag mismo. Kapag kumukuha kasi ako ng barya para ipambayad sa dyip ay lagi akong natutusok ng bolpen at baka mahulog pa't mawala ang mga kung anu-anong mga mahahalagang bagay dun tulad ng flash disk at bluetooth dongles, oo, may "s".

Sana ay tawagan ako ng 1 vs. 100, para sabihing kasali ako bilang isang mob member, hehe. Para naman makita ako sa tv kahit na isang beses lang=) Pero mas gusto ko ata yung maging 1. Pipiliin kong ten picks e yung 1-10, hehe=) o yung lahat ng nasa bottom left corner, kaysa naman random.

Sana ay maayos na naming magawa ang macaroni salad, dahil apat na taon na naming sinusubukan pero palpak pa rin, hehe. Once a year lang naman kaya inabot ng 4 years. Sana rin ay may bago akong matutunang iluto at sana ay magkaroon kami ng oven! Gusto kong magbake, hehe.

Hayan, yan na lahat ng naiisip ko ngayon e, hehe. Dahil malabo naman na magkaroon ako ng digital camera, malaking hardrive, video card, o bagong pc kaya? Laptop rin o phone kaya na pwedeng gamitin sa thesis namin, haay, kaya hindi ako magwiwish nuon. Hindi dapat umasa sa mga imposibleng bagay, hehe.

Waaah, hindi ako makapagconcentrate! Bigyan niyo na nga ng barya yung nangangaroling! Dun sa bag ko, meron. Dun nga kayo sa labas at bigyan niyo kagad bago pa sila lumapit! Arrrgggh…
- praning na nagcocode