I’ll live forever, or die trying.

Go Extreme. Ilang mura kaya ang lalabas sa bibig ko kung tumalon ako mula sa isang eroplano at mahulog pababa sa mundo? Magpaikot-ikot sa ere at magpatambling-tambling sa mga alapaap. Sarap siguro nun, hehe. Kapag namatay na ako’t hindi ko pa ito nagagawa, o lang kahit tumalon ako mula sa langit at mahulog sa impiyerno, pwede na, makamit ko lang ‘to. Hmmm, kaya dapat talagang magawa ko ito bago ako kunin ni Lord, haha.

Buy a vowel. Noong bata pa ako ay sabik na sabik akong maging 18, para makasali na ako sa mga game show. Nakailang text na ako nitong nakaraang dalawang taon para maging studio contestant pero hindi pa ako napipili ng electronic draw nila. Talagang malas ako pagdating sa bunutan, haay. Magtetext na ako para sa Wheel of Fortune, hehe. Sana mapili.

Bake, bake, bake. Dream business ko na siguro ang magkaroon ng panaderia, bakery shop, pastry shop, o kahit na anong may kinalaman sa pagbe-bake. Small business lang sa isang rural area. Pero hindi pa talaga ako nakakapag-bake ni minsan, dahil wala naman kaming baker (corny). Meron kami dati, oven toaster, pero naaalala ko lang na niluto ko du’n ay isang piraso ng clay na hugis tao, hindi sunog, hindi rin hilaw, kundi lusaw. Mabuti na lang at hindi siya nabuhay.

Me on paperback. Gusto kong maipublish sa isang libro=) astig yun. Kahit na maisama lang ang pangalan ko, maisingit sa acknowledgements, ganun, hehe. Mabanggit ng kung sinong writer na nakakilala sa akin o ‘di kaya’y maisama ang naisulat ko mismo, mas maganda yun. Sana makaisip ako ng text kowt na sobrang malupit, haha.

One-time Third eye trial. Gusto kong makakita ng multo kahit isang beses lang sa buhay ko, este, sana isang beses lang pala sa habang panahon na ako’y nabubuhay. Ayoko nung feeling lang na parang may multo, o sigurado kang may multo pero hindi mo naman nakikita, madalas naman mangyari sa akin yun. Gusto ko yung kita talaga, hindi malik-mata, hindi anino, hindi lumilipad na pinggan o sumasaradong pinto. Face-to-face, ‘wag lang nakadikit. Huwag rin yung nanghahabol o nananakot, nangangain o nanunumpa. Gusto ko yung try-hard na multo, yung pepekein mo na lang yung takot para magkaroon naman siya ng fulfillment sa bu— hmmm.. sa kabilang-buhay.

Enemies of the State

Naaasar na ako sa media. Siguro naman ay nabalitaan mo ang tungkol sa ginawang pagtatangkang rebelyon ni Senador Trillanes at ilan pang mga kasamahan noong isang linggo, ngunit hindi iyon ang binabalita gabi-gabi. Para ngang nakalimutan na iyon dahil may mas pinagtutuunan ng pansin ang media, at yun ay ang ginawang pagtatrato ng mga awtoridad sa kanila.

Panig ako sa media ukol sa extra-judicial killings at illegal detaining ng ilang mga nakikibaka laban sa gobyerno. Naaasar ako sa pagtatanggi at paglilihim ng militar at sa fact na wala tayong magagawa tungkol dun. Pero iba sa nangyari sa Manila Peninsula na tingin ko ay sumusobra na ang media.

Lalo na sa report ni Karen Davila at Julius Babaw kani-kanina lang. Sabi ni Karen ay pinabulaanan ng PNP chief na iniimbestigahan nila ang media, pero may nag-email daw sa kanilang news department head ata na dalhin ang kanilang video footage ng insidente sa himpilan ng pulisya, at dun tinapos ni Karen Davila ang kanyang report. Wait, something's missing, hindi niya sinabi kung bakit raw dadalhin ang mga video footage at ang word na ginamit niya, "dalhin ang video footage". Hindi ito kinumpiska, hindi sila dinalhan ng search warrant o anuman at bagkus a inemail sila.

Nagpapaimportante ang media, hindi sila ang iniimbestigahan kundi sina Trillanes. Dahil magandang ebidensya ang video footage sa pagtangkang rebelyon. At wala namang sinabi si Karen Davila na "baka gagamiting ebidensya ang video footage na nakuha namin", NO. Wala nga siyang dahilan kung bakit "pinapadala". At bakit wala siyang sinabing dahilan? Dahil gusto niyang isipin mo na lang na iniimbestigahan nga sila ng pulis. Na sinungaling sila, haha.

Pero mas maganda ang naging pahayag ni Julius Babaw. Sinabi niya kasi na kung hindi naman daw tinuturing ng mga pulis ng mga kaaway sila o suspect, bakit raw siya inimbitahan sa hearing sa Disyembre ata. Huwaw, inisip niya kaya muna ito bago niya sinabi? Dahil you don't invite a suspect to a hearing. Humihingi ka ng arrest warrant sa judge kung saan naganap ang krimen at hinuhuli mo ang suspect. Hmmmm, bakit nga kaya siya inimbitahan?

Maraming itinatago ang media. 

I wonder, naisip kaya nila na makakasabal sila sa isang police operation involving rebellious military men kung andun silang lahat? Pero hinde, sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang trabaho para maihatid nila ang balita sa mamamayang pilipino ay nadesisyon sila na maiwan sa loob at makigulo. Ilan ba sila? Kung bawat tv station ay may cameraman, reporter at researcher, at bawat diyaro ay may field reporter at photographer at bawat radio staion ay may isang reporter, hmmmm, ilan kaya sila sa loob?

Siyempre, hindi na nila inisip kung makakasagabal man sila o hindi, ang mahalaga ay maibalita sa mamamayang pilipino ang mga kaganapan, kahit na ikasawi pa nila. Pero mayroon namang "video courtesy of" o "ayon kay", pero bakit naman sila kukuha sa iba kung pwede naman sila ang kumuha? E marami naman sila dun, bakit nga naman sila aalis, edi naging bida na naman yung kabilang istasyon.

Maraming ipinapakita ang media, pero mas marami silang itinatago.

Noong umuwi ako ng huwebes last week ay nabalitaan kong may curfew na raw, it was all over the news, hanggang sign-off. 'Tas sinasabi nila na simula na raw ito ng martial law at natakot naman ako. Pero ang kinaaasaran ko ay friday ko pa ng umaga nalaman na noong gabi lang talaga ang planong may curfew at hindi araw-araw. Bakit hindi nila sinabi kaagad?

Almost everybody talks about what the police did to the media, but why are they not talking about what the media did? Dahil ginagawa kang kakampi ng media laban sa gobyerno. Sila ang tama, sila ang mali. Isang buwan nating mapapanood ang mga dramatic scenes at interviews ng mga reporter na ginawang commercial. Oo, isa iyong tv advertisement. Tuwang-tuwa siguro sila sa mga nangyayari.

Sa diyaryo na lang muna ako makikibalita. Doon, walang makukulay na video footage, walang makabagbag-damdaming music, balita lang, at hindi binahiran ng marketing strategy.

PERO. Sabi ni Karen Davila na text raw ng text si General Razon na umalis na sila sa loob ng hotel. Buti na lang at hindi sila umalis, dahil ganon ang nangyari, malamang ay pinaglalamayan na sina Trillanes at ilan pang mga kasamahan. Alam kong gustong ipapatay ni ______ sila.

Ganito talaga ako kapag naaasar, madaldal. At hindi ako panig sa gobyerno.

Lessons Learned from Lastikman

Sa pag-uwi ko kapag gabi ay dadaanan ko muna ang lahat ng mga bahay sa aming looban bago ako makarating sa aming bahay. Nakikita ko sa bawat sala may nanonood ng primetime tv, at sa pagpuna sa kanilang lahat ay mayroon akong napansin matagal na; lahat sila ay puro kapuso at kami lang ang nag-iisang kapamilya. Pero hindi naman ako magsusulat tungkol sa tunggaliang ito (siguro sa susunod, hehe), kundi tungkol sa Lastikman, at dalawa sa mga aral na itinuturo nito sa mga manonood.

Una. Huwag kang mang-aalipusta ng ibang tao. Dahil sige ka, kapag sila e naging monster, ikaw ang unang paghihigantihan nun! May binubully ka ba sa iskul? o baka naman may lagi kang tinutukso na co-worker? Kung ayaw mong ngatngatin ka ng higanteng daga,  balutan ng sapot ng taong-gagamba at sipsipin ang iyong laman-loob hanggang sa balat na lang ang sa'yo'y matira, mag-ingat-ingat ka na sa mga taong pinagsasabihin at ginagawan mo nang masama. Don't do bad unto others when you don't want others to become monters.

Pangalawa. Huwag gawing patapon ang iyong buhay. Magsikap ka at huwag padadaig sa mga problemang ibinabato sa iyo ng mundo. Sige ka, kapag masyado kang nagpaapekto, nagdamdam at nagkimkim ng iyong galit, baka mamaya ay damputin ka na lang bigla ng mga tauhan ni green alien (si Jared?) na stepfather ni Lastikman at gawin kang monster! Kung ayaw mong tubuan ka ng mahabang dila at buntot, kung nahihiya kang tawaging taong-suso na laging nakanguso, ay magbagong-buhay ka na tsong! Kaya mga suicidal emo's dyan e beware. Never let yourself become a monster.

Tingin mo hindi ito mangyayari in real life? Hala ka, dahil hindi na kailangang magsuot pa ng isang scary costume at nakakawindang na make-up para maging isang monster! Isang puso lang na hindi marunong magmahal at magmalasakit sa ibang tao ang kailangan mo. At ito ang mga uri ng monster na dapat mong labanan sa tunay na mundo. O ha? hehe.

O ano, manood na ng Lastikman! [photo taken from parc cruz's flickr]