A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

Ang buhay, parang pagtatayo ng website. Hindi sa lahat ng browser, maayos tignan ang iyong mga pahina. Minsan kulang sa plug-ins, luma ang version o kaya magkaiba lang talaga kayo ng vendor. Dahil sa mga pagkakaibang ito, naiiba ang itsura ng iyong site sa tingin ng ibang mga surfers. May maganda, may pangit, may hindi maintindihan, merong magulo.

Ikaw?
Nakikita mo ba ako nang maayos?

Certified Senior Bloggista!June 13th, 2004. Aces.tabulas.com ang naging server ko nung nagsignup ako sa tabulas. Yun ang araw na ako ay naging isang opisyal na blogger. Tabulas lang kasi ang alam kong blogging engine dati, malay kong meron pa palang iba, hehehe:P Ate ko ang nagkwento sa akin tungkol sa blogging, pero hindi siya blogger, kundi yung isang student assistant (SA) nila sa admissions office ng UST. Nagprint pa nga siya ng dalawang entry nung SA nila at pinabasa sa akin, tungkol sa tander cats ata at mga boylets.

tabulas.com/~cornyscience ang URL ko nun. Cornyscience, kasi naman, hayskul palang kasi e batikan na ako sa pagiging corny.

Puro buhay kolehiyo ang mga pinagpopost ko nung una. Karamihan, tungkol sa Math subjects ko na napakahirap o tungkol sa mga crushes ko, haha. Oo, either tungkol sa bagsak kong math exam o, kung paano ko nalaman yung buong pangalan ng crush ko na nagsimula sa numerong 54333. At ilang mga Maala-ala mo kaya entries tungkol sa mga crush ko nung hayskul.

Nagblog ako dahil gusto kong isulat ang mga nangyayari sa buhay ko, dahil hindi naman kayang alalahanin ito lahat ng utak ng tao. Ayus din siguro kasi kung matanda ka na e mababasa mo ang mga nangyayari dati nung bata ka pa. Kaya nga kapag nagkaanak ako e gagawan ko siya ng blog para kapag matanda na siya e makikita niya. Continue reading

Limang mga katanungan.

Ako ay tinag ni teys! The rules are simple. At the end of the post, the player tags 6 people and posts their names, then goes to their blog and leaves a comment, letting them know they’ve been tagged and asking them to read your blog. Let the person who tagged you know when you’ve posted your answer.

1. What was I doing 10 years ago?

July 1998. Grade 5 ako nun, under, Mrs. “Mamaw” Mauricio, ang mother-of-all-terror teachers, sa pagkakaalala ko. Ang alam ko, sa start ng class ay patatayuin niya kami sa likod ng classroom ‘tas makakaupo ka lang kapag nakasagot ka sa recitation. Haay, buti na lang Science ang tinuturo niya, hehehe.

2. What are the 5 things on my to-do list today?

  • Magrecord ng kanta na ibibigay ko kay karmi, at post na rin as an entry, hehe:)
  • Hmmm. Iniisip ko pa.
  • Iniisip ko pa rin.
  • Hindi sigurado e.
  • Anu nga ba. Hmmmm…

3. Snacks I enjoy: Kahit ano? Hehehe. Kung anung meron, ieenjoy ko yun:D

4. Place(s) where I live(d): Sta. Maria, Bulacan! Dun lang, hehehe.

5. Things I’d do if I were a billionaire:

  • Magpapatayo ako ng mga bahay:D Yung pinaka-astig na bahay sa lahat, hehehe. May underground, may passageways, hehehe. Isang post na kung idedetalye ko lahat, basta:D
  • Magpapatayo ako ng Jollibee, tsaka ng Mcdo ‘tas magkatabi sila, hehehe:D
  • Invest ko yung ibang pera ko sa mga korporasyon, ok na ako dun.
  • Papakabit ako ng connection mula sa Internet backbone papunta sa PC ko, wahehehehe.
  • Pupunta akong Amerika para sunduin yung kashare ko sa blog na ito:D Kasi after ko magawa ‘tong apat na nauna, siya na lang ang kulang:D After nitong panlima na ito, ok na ko:D

Tan ta-ran taran-taran-taran tarantaraaaaaan tararararan!

Prime Suspects

Habang inilalagay ko sa aking bag ang charger, na nakakahon sa isang printer ink box, na kasama ng hiniram naming Sony Ericsson z520i na gagamitin sa aming thesis application ay napatitig na lang ako sa loob ng aking bag.

Haha, kailangang piktsuran ‘to.

Apat ang aking bluetooth dongles, ewan kung bakit. Dalawa lang naman ang pc ko sa bahay at ganun din naman sa lab. Nariyan din ang flash disk na pwedeng mabaklas sa tatlong bahagi. Hindi talaga akin yung aquarium mouse, hehe, nilagay ko lang para makadagdag. Isama mo pa ang mga installer cd’s ay hindi talaga ako maikakailang hindi nalalayo nang matagal sa computers.

Makikita rin ang circuit/proto/bread board para sa aking digital circuits lab project. Kaya makakadukot ka ng iba’t-ibang resistors, capacitors, LED’s, switches, wires, AND at NOR gates, 74LS86′s, JK flipflops (not for the feet), pati na rin ang BCD display na parang sa calculator. Sana matapos na namin ang project na yan, na nung friday pa ang deadline.

Treasure talaga ang bag ko na yan dahil mas marami pa siyang lamang pera kaysa sa pinagsamang halaga nung nasa wallet ko at bulsa. Nariyan kasi ang ipon ko, kung meron man, na madalas nauubos sa pagkain, hehe.

Kaban rin yan sa aming bahay dahil kung may nangangailan sa amin ng perang panukli sa nagbayad para sa mineral water, pantaya sa jueteng (shhh), pambili ng meryenda sa naglalako ng kakanin, baryang pangtraysikel at dyip, o nuong pasko ay pambigay sa nangangaroling ay konting dukot at halukat lang sa loob ng aking bag ay may pera na. Kung barya lang naman e hindi ako magrereklamo. Pero pwede ring iloan ang perang naipon ko nang walang interes, basta ba bayaran lang kapag kailangan ko na at please, walang gulangan, dahil hindi ko naman binibilang kung magkano nga ang andyan. Suki ko ang nanay ko diyan.

Akin rin nga pala ang magnifying glass na yan dahil malabo na ang mata ko at ayaw ko namang magsalamin at asiwa rin ako sa contact lens, biro lang. Matagal ko lang kasing gustong magkaroon nun, hehe.

Haha, nakalimutan kong meron akong tatlong notebook, apat na bolpen, yellow pad at samu’t saring readings.

(Habang isinusulat ko ito ay kumuha na naman ang nanay ko ng barya)